Nauna na siyang lumusong kay Sebastian sa tubig at lumangoy na rin siya para i relax ang kanyang katawan na stress yata kay Marjorie. Pinaliwanag na sa kanya ni Sebastian kung ano at sino si Marjorie sa buhay nito at naniniwala siya sa mga sinabi ni Sebastian. Iyon nga lang sa datingan ni Marjorie mukhang hindi ito basta-basta papayag na basta na lang matapos ng ganon ang naging samahan nito at ni Sebastian. Sa uri pa lang ng tingin nito sa kanya kanina ramdam niyang lalaban pa ito at hindi pa tapos ang laban nila dahil hindi pa sila kasal ni Sebastian. Kaya dapat maging handa siya sa ano mang panggugulong gagawin ng babaing iyon sa kanila ni Sebastian. Habang lumalangoy siya naramdaman niya ang pag lusong ni Sebastian sa tubig. Kaya naman ginalingan pa niya ang paglangoy para magpakitang