"Hoy gising!" Hiyaw sa kanya ni Crizel nang nasa cafeteria na sila para mag meryenda. "Huh?" Tanging saad niya sa kaibigan na kung hindi pa ito naglakas ng boses sa kanya ay hindi niya mamamalayan na kasama pala niya ito. "Kanina ka pa tulala girl!' Tugon nito sabay siko sa kanya at umusog pa ito palapit sa kanya. Kumunot ang noo niya sa kinilos nito. "Sabihin mo nga sa akin, Ellie," saad nito ng pabulong sa kanya. "Ang alin?" Kunot noong tanong niya. "Nag s*x na ba kayo ni Congressman kaya ganya ka katulala," bulong nito sa kanya na kinagulat niya. "What?!" Bulalas niya at mabilis ding tinakpan ang bibig dahil umagaw siya ng atensyon ng mga naroong estudyante. "Nag s*x na kayo no? Obvious sa pagkagulat mo eh," nakangising saad nito sa kanya. "Ano ba iyang pinagsasasabi mo, Crizel!