Matapos ang party ni Eliana hindi siya umalis sa venue kahit nag-alisan na ang lahat ng bisita. Hindi kasi maganda ang kutob niya kay Daniel Hizon. Kilalang babaero ang lalaking iyon. Nasa trenta na nga ito wala pang asawa, dahil puro lang itong pambabae. Hindi niya gugustuhin na maharap ni Eliana ang lalaking iyon na mag isa. Ngayon alam na niya kung bakit hiniling sa kanya ng Tita Emma niya ang ganitong klase ng debut para kay Eliana. Nasa legal age na kasi Eliana at mukhang hinahanapan na ito ng Tita Emma niya ng mayamang lalake. Hindi siya papayag, hindi niya hahayaang mapahamak si Eliana. Bata pa rin ito kahit legal age na ito. Wala pa rin itong masyadong alam sa pag galaw ng mundo. "Sebastian, narito ka pa pala," saad ng Tita Emma niya nang makasalubong ito. Wala na ang mga bisita