"Ang gwapo ni James Rivero no,' kinikilig saad ni Crizel sa kanya nang sumama ang kaibigan sa dressing room niya para isuot na ang ikatlo at huling gown niya ngayong gabi. "Oo nga grabe din ang boses kahit live," tugon niya sa kaibigan. Hinarana kasi siya ni James kanina sa harap ng maraming bisita. Hindi lang naman siya ang kinilig kung di pati ang iba pang mga bisita niya. "True, true," tili ni Crizel sa kanya at nag apir pa sila nito. Saka naman pumasok ang Mommy niya sa dressing room. "Ano iyan at bakit kilig na kilig kayong dalawa?" Tanong ng Mommy niya at sinabihan na rin ang mga staff na ayusan siya para sa last show for tonight sa kanyang debut. "Tita nakakakilig po kasi si James," si Crizel ang sumagot sa Mommy niya. "Yes, maraming kinilig sa batang iyon. Pati ba naman ikaw