May event sa Alcantara Hotel sa Manila branch nila kaya nagtungo siya ng Manila. Hindi naman niya akalain na sa kanyang pakikipag meeting sa isang businessman na komontak sa kanya para makausap siya ay makikita niya si Tessa. Dahil na rin sa meeting iyon kaya hindi niya naitanong sa ka meeting niya kung bakit naroon si Tessa. Pero sa tingin niya ay ina ni Tessa ang babaing kasama nito sa mesa at asawa naman ng Mommy ni Tessa ang ka meeting niya. At ang dalawang batang naroon ay mga anak ng Mommy ni Tessa at ni Mr. Arthur. Hindi niya nagawang batiin si Tessa, at ganon rin sa kanya ang babae. Nagkatinginan lang sila nito, pero walang naglakas loob sa kanila na i approach ang isat-isa. Buong akala niya hanggang doon na lang ang pag krus ng landas nila ni Tessa. Hindi niya inakala na makikit