Agad na nagtama ang mga mata nila ni Dr. Troy nang makapasok na ito at sinalubong ng asawa ng Mommy niya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagkagulat nito saglit nang makilala siya. Siya din naman nagulat siya kung bakit naman kasi ang liit ng mundo nila. Bumati muna si Dr. Troy sa Mommy niya dahil pinakilala ito ng Tito Archie niya, pati na ang dalawang anak ng mga ito. Siya man ay pinakilala ng Tito Archie niya pero hindi nito sinabi na anak siya sa pagkadalaga ng asawa nito. Ganoon pa man hinayaan na lang niya. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na hindi sinasabi ng Tito Archie niya kung sino siya sa buhay ng asawa nito. Ang Mommy niya hindi siya nito tinatago o kinahihiya, pero syempre iba ang Tito Archie niya, hindi siya anak nito kaya ganon na lang. Kinabahan siya nang batiin siya