Sa tagaytay niya dinala si Eliana may pinagawa kasi siyang town house doon para sa kanilang mag asawa at alam niyang magugustuhan ni Eliana ang surprise niya para rito. "May bahay ka ba yata rito?" Tanong sa kanya ng asawa nang pumasok sila sa kilalang subdivision sa Tagaytay. Ngiti lang ang naging tugon niya sa asawa nang sulyapan ito. "Akala ko ba ang plano mo sa San Juan din magpatayo ng magiging bahay natin para sa magiging anak natin," Eliana said. Sinabi naman niya talaga ang plano niyang iyon rito. Wala pa kasi siyang sariling bahay sa ngayon maliban sa penthouse. Ang naiwang bahay naman ng kanyang Papa ay mismong Mommy ni Eliana na ang nagbenta at hindi na siya nakialam pa. Kasal kasi ang Mommy nito sa Papa niya, kaya tama lang na Mommy nito mapunta ang bahay. "Yeah, plano ko