Isang linggo na ang nakalipas mula ng makabalik sila ni Sebastian galing honeymoon. Naging abala ang asawa niya sa trabaho at siya naman sa eskwelaan. May bago na siyang security dahil hindi naman kaya ng asawa niya na ihatid-sundo siya lagi sa school. Sana na lang ang bagong security niya ay magtagal na sa kanya para at hindi na siya ang maging dahilan para may mawalan na naman ng trabaho. Napag-usapan na nila ni Sebastian kung ano ang mga dapat at hindi niya dapat gawin pag hindi sila magkasama ng asawa. Alam niyang maraming mga mata ang nakasunod sa kanya ngayon dahil alam na ng lahat na siya si Mrs. Congressman Sebastian Lopez, kaya naman todo ingat siya sa kanyang kinikilos pag nasa labas hindi niya gustong siya pa ang maging dahilan ng pagkasira ng pangalan ni Sebastian sa mga tao