Chapter-0-22

1352 Words

"Bakit naman na late ka Troy? Ang aga mong umalis ng hotel kanina?" Tanong sa kanya ni Lira nang puntahan ito sa bahay ng mga ito. Hindi na siya umabot sa hapunan dahil gabi na masyado. Isa pa hindi na rin siya makikipag dinner pa dahil nga kumain na siya sa bahay nina Tessa. Sadyang nagpunta pa rin siya sa bahay nina Lira para nga tapusin na ang ano mang nasimulan niya rito. Kanina napatunayan niyang attracted siya kay Tessa. Interesado siya kay Tessa, kaya ganon na lang ang pagkawala niya ng gana kay Lira. Hindi na si Lira ang gusto niya ngayon. Kay Tessa na niya nais mapalapit ngayon. "Pasensya na marami kasi akong inaasikaso," tugon niya kay Lira na hindi tinatago ang pagtatampo nito sa kanya. "Baka naman kasali pa ang starlet na iyan sa inasikaso mo Troy!" Taas kilay nitong saad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD