Pagpasok pa lang ni Troy sa munting bahay ng lolo at lola niya agad itong nakilala ng dalawa. Doctor kasi si Troy sa ospital na ito pagmamay-ari ng pamilya nito. At dahil may edad na ang lolo at lola niya kaya madalas na ang mga ito sa ospital para magpa check up, kaya agad nakilala ng dalawa si Troy. "Tignan mo nga naman ang liit ng mundo, ikaw pala itong kaibigan ng apo namin sa bayan na ito," saad ng lolo niya. Nais sana niyang itama na hindi naman niya kaibigan si Troy, baka kasi ano ang isipin ni Troy na sinasabi niyang magkaibigan sila. Magkakilala lang naman kasi sila nito. "Oo nga eh. Sa dami ng tao sa bayan ng San Ignacio, at ang mabait at gwapong Doctor pa ang naging kaibigan ng aming apo," nakangiting saad naman ng lola niya. "Lola," nahihiyang saad niya at sinulyapan si Troy