"Troy let's have a dinner tonight," anyaya sa kanya ni Lira na kinagulat pa niya. Nasa oras pa kasi sila ng trabaho at bigla na lang itong lumapit sa kanya at pinulupot ang kamay sa braso niya. Bagay na hindi gawain ni Lira, lalo na sa harap ng maraming tao. Napalingon siya sa lobby at may mga staff roon na napasulyap sa kanila, nakita ang ginawa ni Lira. "Lira, nasa trabaho pa tayo," bulong niya at pasimpleng inalis ang kamay nito sa kanyang braso. Bahagya din siyang dumistansya rito. "Alam naman nila na nanliligaw ka sa akin," Lira said saka ito ngumiti. Bagay na hindi rin nito ginagawa noon. Usually focus ito sa pag oras ng trabaho, ni hindi man siya nito pinapansin, kahit siya na ang lumalapit rito. Napaka maingat nito sa tuwing didikit siya rito. Dalagang filipina ito kung kumilo