Matapos ang klase niya nagtuloy na siya sa paglabas ng campus kasabay si Crizel at nakita niya sa labas ang mga security niya na naghihintay sa kanya. Nailang pa nga siya sa kaibigan na malalim ang ngiti sa kanya. "Daig mo pa ang celebrity sa pa security ni Congressman sa iyo," bulong ni Crizel sa kanya. "Mauna na ko Crizel," paalam niya sa kaibigan para iwasan na ito. "See you tomorrow," Crizel said. Kumaway naman siya sa kaibigan at lumakad na palapit sa sasakyan na naghihintay sa kanya. Nag ring naman bigla ang cellphone niya at tumigil siya sa paglalakad. Baka kasi si Sebastian ang tumatawag sa kanya. Sa maghapon niya sa school hindi pa siya tinawagan ni Sebastian, wala din itong text sa kanya. Kumunot ang noo niya nang pangalan ni James ang mabasa sa screen. Alam niyang hindi na