"Ok lang naman sa akin kahit nagpa deliver ka na lang sa bahay," bulong sa kanya ni Eliana habang sakay na sila ng elevator pababa para mag dinner sa pina reserved niyang restaurant sa kanilang dalawa. "Sayang naman ang mga dress na binili mo kanina kung lagi ka na lang sa bahay,' tugon niya rito. "Sinabi ko naman kasi na hindi ko na kailangan ng mga iyon," saad nito. "Eliana, magiging asawa na kita, hindi ko naman gusto na may mapuna ang ibang tao sa iyo. You are beautiful the way you are, pero mas gusto ko pang mailabas mo ang tinatago mo pang ganda. Like tonight," litanya niya sa dalaga. "Salamat, Sebastian," nahihiya nitong pasalamat sa kanya. Bahagya siyang ngumiti sa dalaga. Hindi niya nais ipakita rito kung gaano siya ka excited at kasaya sa unang dinner date nila ni Eliana.