"Salamat Sebastian," pasalamat niya kay Sebastian matapos maisuot nito ang engagement ring sa daliri niya. Tinignan niya ang singsing at mukhang mamahalin iyon, isama pang napakaganda. "You deserve it, Eliana," Sebastian said. Honestly hindi ganitong proposal ang pinapangarap niyang mangyari sa kanya kung sakaling siya ay mag aasawa na. Pero syempre hindi na siya dapat pang maging choosy, Congressman Sebastian Lopez naman na ang pakakasalan niya. Pasalamat na lang din dapat siya dahil binigyan pa siya nito ng ganito kagandang engagement ring kahit na alam niyang for charity lang nito ang pakasalan siya. Alam niyang awang-awa lang naman sa kanya si Sebastian kaya siya nito pakakasalan. Wala na kasi siyang malapitan pa, and also ang Mommy niya at hindi na rin niya mapagkatiwalaan pa at ma