Kinabukasan sadya niyang maagang nagising para makaalis agad sa penthouse ni Sebastian, hindi muna niya nais na makaharap ang lalake. Naiinis siya rito o tamang sabihin na galit siya rito dahil sa ginawa nito sa kanya kagabi. Pinahiya siya nito sa gitna ng kanilang ginagawa, nais na lang niyang maglahong parang bula kagabi sa ibabaw ng kama. Hindi naman din kasi niya maipaliwanag kung bakit ganon na lang ang naging reaskyon ng kanyang katawan sa ginawa ni Sebastian sa kanya. Aaminin niyang nagustuhan niya, nag enjoy siya at nasarapan siya sa bagong karanasan na pinaramdam sa kanya ni Sebastian. Iyun nga lang hindi niya maiwasang mabitin, dahil alam niyang hindi lang ganun dapat iyon, alam niyang there's more sa ginawa ni Sebastian sa kanya, pero parang sinadya siya nitong bitinin at iwan