"Paano ang mga gamit ko?" Tanong niya kay Sebastian nang hinila na siya nito palabas ng condo unit. "Gaya ng sinabi ko kanina kaya kitang bilhan ng mga gamit mo. Hindi mo na kailangan pa ang mga iyan," tugon nito sa kanya na hindi man siya nito binibitiwan. "Pero may mga importanteng gamit ako roon," she said at sinubukang bawiin ang kamay rito, pero hindi iyon pinakawalan ni Sebastian. "Ipapakuha ko mamaya ang lahat ng gamit mo dito sa mga tauhan ko. But, for now uuwi na muna tayo sa penthouse. And please, Eliana. I'm busy, man, pero kailangan kitang unahin!" Mahabang litanya nito sa kanya. Medyo natulala siya sa huling sinabi nito na busy itong tao pero kailangan pa rin siya nitong unahin. Napakunot pa ang kanyang noo at sinulyapan ito. Nagtama ang kanilang mga mata pero saglit lang