"Thank you, Ellie naka attend ka," pasalamat sa kanya ni James matapos ang concert nito. Sa kanya unang lumapit si James nang matapos ang huling song number nito. Nagulat pa nga siya sa paglapit nito sa kanya. Umagaw tuloy siya ng atensyon sa mga naroong nanonood. Paano ba naman para siyang prinsesa na linapitan ng prinsepe. Hinawakan ni James ang kamay niya at hinalikan iyon sa harap ng mga fans nito na karamihan ay babae. Hindi na nga rin nakontrol ang mga cellphone na nakatutok sa kanila ni James. Paniguradong bukas trending na siya dahil kay James. Sa pagbaba ni James sa stage hindi inaasahan ng mga security nito ang biglang pagdumog ng mga fans nito rito. Kaya naman sinecured na ng security ni James ang safety nito. Hindi naman niya inakala na hahawakan ni James ng mahigpit ang kany