"Pasensya ka na Sebastian, sa ngayon kase wala naman akong ibang mapupuntahan," malungkot niyang saad kay Sebastian nang puntahan siya nito sa hotel room na kinuha ng Mommy niya para sa kanya. Hanggang bukas lang siya ng tanghali sa hotel iyon lang kasi ang kinayang i book sa kanya ng Mommy niya. Hindi daw kasi nito pwedeng gamitin ang credit card nito dahil naka monitor ang Tito Arthur niya sa mga gastusin ng Mommy niya. "Sinabi ko naman sa iyo Eliana na tawagan mo ko agad pag may nangyaring hindi maganda,' Sebastian said nasa tinig nito ang inis o galit sa kanya. Nagyuko siya ng ulo. Hindi na niya muna kasi tinawagan si Sebastian dahil ayaw niya itong istorbuhin muna. Nahihiya na kasi rito sa lagi niyang pag istorbo rito. "Bakit hindi mo ko tinawagan agad?" Tanong nito sa kanya. "So