Wedding Day. Kumpleto ang pamilya niya at pamilya ni Troy sa araw ng kanilang kasal. Sa simbahan ng San Ignacio sila ikakasal ni Troy. Magiging saksi ang lumang simbahan na may magandang kasaysayan sa kanilang pag-iisang dibdib ni Troy. Ganoon rin ang kanilang buong pamilya na todo suporta sa kanila ni Troy. Kung iisipin masyadong mabilis ang pangyayari sa kanila ni Troy, kung sa bagay wala naman kasi sa tagal ng pagsasama iyan, ang mahalaga diyan mahal niyo ang isat-isa. Bakit pa ba patatagalin kung alam naman ninyo na mahal niyo na ang isat-isa at kayo na talaga hanggang dulo, na iisa ang inyong mga damdamin. Eighteen pa lang siya, yes bata pa pero alam niya at sigurado na siya na si Troy ang lalaking nais niyang makasama habang buhay. Buntis na siya at mabubuo na ang kanilang pamilya