"Thank you for saving me again, Troy," pasalamat niya kay Troy nang nasa ospital na siya para suriin ang kanyang mga pasang natamo at pati na ang kondisyon niya sa nangyaring kidnapping sa kanya kanina. Katulad ng lagi na lang nangyayari mula nang makilala niya si Troy, nailigtas na naman siya ng kanyang hero, and now ito rin ang doctor na tumitingin sa kanyang kondisyon. Literally na My hero, my doctor ang atake ni Troy sa kanya. "Sweetheart, hindi ka na dapat magpasalamat pa, it's my duty na iligtas ka ano man ang mangyari. Hindi kita pwedeng pabayaan," tugon nito sa kanya habang sa mismo ospital bed na ito nakaupo katabi siya. "Mula nang magkakilala tayo Troy, lagi mo na lang akong inililigtas," saad niya rito. Hinawakan naman nito ang kanyang mga kamay at agad hinalikan ang mga iy