Pinaalam niya sa pamilya niya ang nangyari kay Tessa para matulungan siya ng kanyang Papa na mailigtas ang fiancée niya. Hindi niya nais na magpadalus-dalos sa kanyang desisyon, kaligtasan ni Tessa ang nakataya. Handa niyang ibigay ang milyong perang nais ni Lira kapalit ang kaligtasan ni Tessa, pero duda siya na baka matapos niyang maibigay ang pera kay Lira at sa kung sino man ang kasabwat nito ay hindi pakawalan si Tessa ng ligtas. Nais niyang masigurado ang kaligtasan ng kanyang fiancée. Para na rin sa kaligtasa ng lolo at lola ni Tessa na nasa bayan din ng San Ignacio, pinasundo na muna niya ang mga ito para dalhin sa hotel at pa bantayan sa mga staff niya. Mas ligtas kasi sa hotel ang mga ito kesa sa bahay ng mga ito. Hindi niya sinabi sa dalawang matanda ang totoong dahilan, may ed