"Ano ba ang ginagawa mo Lira, mas lalo mo lang pinapalala ang kaso mo! Bakit hindi ka na lang sumuko at pag bayaran ang mga kasalanan mo!" Saad niya nang sapilitan siyang dalhin nito sa isang bodega. Pinagtulungan siyang madala roon ng lalaking kasama nito na Tony ang pangalan. Iyon kasi ang narinig niyang tinawag ni Lira sa lalake. "Tumahimik ka!" Sigaw ni Lira sa kanya sabay tulak nito ng malakas na siyang kinasadsad niya sa sahig. Nasaktan siya pero hindi iyon ang mahalaga. Ang mahalaga dapat makatakas siya kay Lira bago pa siya nito magawan ng masama. "Itali mo na nga iyan!" Sigaw na utos ni Lira sa lalaking kasama nito. Mabilis namang lumapit ang lalake sa kanya at hinila siya. Halos kaladkarin na siya ng lalake patungo kung saan. "Lira! Tumigil ka na! Hindi ito makakatulong sa