Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo, nalalapit na ang kasal nila ni Troy. May takdang araw na matapos ang tatlong linggo mula nang mag propose sa kanya si Troy. Sa tulong ng Mama ni Troy na magiging biyenan niya naayos na nila ang lahat ng kailangan para sa kanilang kasal. Buong akala niya simpleng kasal lang ang magaganap pero nang sinabi sa kanya ng biyenan ang lahat ng detalye nalula siya dahil bongga at engrande pala ang kasal nila. Kahit simpleng kasal lang naman ay ok na sa kanya, ang mahalaga lang naman ay magkasama na sila ni Troy at nagmamahalan. Wala naman kasi sa kanya kung bongga o simple lang ang kasal si Troy ang mahalaga sa kanya wala ng iba pa, dahil alam niyang siya ang pinakamahalaga kay Troy. Lagi iyung pinapakita at pinaparamdam sa kanya ni Troy. Sa simbahan ng