Kanina pa siya nakamasid kay Eliana at sa kasama nitong lalake sa loob ng chinese restaurant sa loob mismo ng hotel na pagmamay-ari niya. Matapos ang kanyang trabaho sa opisina kanina bumaba siya para bumili ng dinner niya at naisipan niyang chinese food ang kainin niya ngayong gabi. Nagkataon naman na nakita niya si Eliana sa loob ng restaurant kasama ang intsik na lalaking kasama din nito sa bar. Hindi niya nagustuhan ang nakikita niyang pagla clingy ni Eliana sa lalake, titignan ang mga ito ay parang may relasyon na. Ang sabi sa kanya ni Eliana kaibigan lang nito ang instsik na kasama nito sa bar, pero iba ang nakikita niya ngayon, lalo na't dalawa lang naman ang mga itong kakain sa mamahaling restaurant. Habang nakatingin siya sa mga ito napalingon sa dako niya si Eliana. Nakita niy