Kinabukasan masakit ang ulo niya nang bumangon. Ayaw pa sana niyang bumangon dahil nais din niyang iwasan si Sebastian ngayong araw matapos ang mga nangyari sa kanila kagabi. Nagpadala siya sa sulsol ng Mommy niya na akitin si Sebastian at ayun tinanggian lang siya nito. "Ano pa kaya ang mukhang ihaharap ko sa kanya ngayong araw?" Tanong niya sa sarili at tinakpan ang kanyang mukha sa unan. Hindi niya maintindihan kung paano nagagawa ni Sebastian na kontrolin ang sarili nito at magawang pigilan ang init ng katawan nito. They were almost there tapos bigla itong hihinto dahil nais nitong maangkin siya sa mismong honeymoon night nila. Hindi niya alam na ganoon kalaki ang respeto sa kanya ni Sebastian. Sa panahon kasi ngayon, lalo na sa mga ka edaran niya bibihira na lang ang mga lalaking ma