Nagulat siya nang pumasok sa loob ng campus ang unang sasakyan na ka convoy ng sinasakyan nila ni Sebastian. Napalingon siya sa likuran at sumunod pa ang huling sasakyan na convoy nila. "Ok lang kahit sa gilid na lang ng campus. Doon naman ako madalas bumababa," saad niya kay Sebastian. "Ako ang kasama mo ngayon Eliana at hindi security," tugon nito nang sulyapan siya. "Ah.. Eh.. Baka kasi makaagaw tayo ng atensyon sa mga school mates ko,' she said. Iyon naman talaga ang inaalala niya. Hangga't maaari sana ayaw niyang makaagaw ng atensyon sa mga ka eskwela niya pag kasama niya si Sebastian. Hindi niya nais na pagtaasan ng kilay ng mga ka eskwela niya. Alam naman niyang hindi lahat ay natutuwa na siya ang pinili ni Congressman para pakasalan. Paniguradong marami pa rin ang mga taong hind