"Sigurado ka ba na isasaman mo pa ko sa Mama mo sa airport?' Tanong sa kanya ni Eliana matapos niya itong masundo sa campus. Katulad din kanina ang nangyaring eksena sa loob ng campus. Marami na naman ang nag abang sa kanya, tumili at syempre kinuhanan na naman sila ng mga larawan at videos ni Eliana na ikinakalat sa social media. Masyado siyang busy sa trabaho at hindi na niya nagagawang sumilip pa sa social media kaya hindi niya alam kung ano ang mga naroon about sa kanila ni Eliana. Isa pa hindi naman na siya interesado pa sa mg ganoong kababaw na post lang. Kinatutuwa lang niya naipapaalam na niya sa lahat ng tao ang tungkol sa kanila ni Eliana. "Why? Ayaw mo ba?' Tanong niya kay Eliana. "Hindi naman sa ayaw ko. Baka kasi magulat ang Mama mo at kasama mo ko," tugon nito sa kanya.