"Welcome back, Mama," bati niya sa ina nang lapitan ito nang makita sa airport. "Hey, son, how are you,' saad nito sabay halik sa pisngi niya bilang pagbati nito. "Parang pumayat ka yata Sebastian. Huwag mong pabayaan ang katawan mo anak. Mahirap ang magkasakit, lalo na't malayo ako sa iyo. Huwag mong masyadong isubsob ang sarili mo sa trabaho," litanya ng Mama niya sa kanya. "I'm ok po Ma, don't worry about me," saad niya sa ina. Tumango naman ito sa kanya at sinulyapan si Eliana na nakatayo sa tabi niya. Sadya niyang hindi binitiwan ang kamay ni Eliana nang salubungin ang Mama niya. Alam niyang takot ito sa Mama niya dahil na sa kung anu-anong hindi magagandang salita ang siniksik ng Mommy nito rito. "Mama, this is Eliana, my fiancée,' pakilala niya kay Eliana sa kanyang ina. Hind