PAGSAPIT ng gabi ay tumulong si Baldwin kay Lily sa paghahanda ng hapunan sa mini kitchen ng opisina. Minsan lang sila nakapag-usap nito. Kahit papano ay komportable na rin siya rito lalo nang mas nakilala niya ito. Lily was a former agent of an infamous task force agency in the country, but she quit her job after losing her parents. Her father was a police officer, and her mother was a doctor. Only child lang ito kaya swak din sa standard ni Blandon. Pansin niya na malaki ang pinagbago ni Blandon simula noong ikinasal ito kay Lily. Nagpapasalamat din siya sa haba ng pasensiya nito. Workaholic ang kapatid niya pero nababawasan na rin. He was peeling the potatoes while Lily was stir-frying the marinated chicken meat. She will be going to cook chicken caldereta. Paborito nilang dalawa iyon