BAGO ang takdang pag-alis papuntang Japan ay naipadala na ni Baldwin ang pera kay Manang Helen. Pambili iyon ng cellphone ni Agatha. Mabuti na lang mahusay ring magtago ng sikreto ang ginang. Pinaghahanda na siya ni Blandon para sa flight nila kinabukasan. Nang gabing iyon ay nasa bahay lang siya at nag-e-impake ng konting gamit na dadalhin niya. It’s been three days since he left the Shaturi company and the last time he talked to Agatha on the phone. He missed her so much. Pakiramdam niya ay may nawalang mahalagang bagay sa buhay niya. Hindi siya makapag-isip nang maayos. Nagpapakaabala siya sa trabaho sa opisina ng ahensiya nila, habang si Blandon ay patuloy ang pagtatrabaho sa labas. Samantalang hindi pa rin pinapangalanan ng suspek na si Joven ang mastermind na gustong patayin si Agat