SIGURADO na si Baldwin na sanayin si Agatha na hindi siya madalas kasama. Sinasamahan lang niya ito sa tuwing may importanteng lakad. Hindi pa sila nakauuwi sa Laguna dahil inaasikaso pa ang citizenship ni Agatha. Magiging dual citizen na ito. Si Ms. Yannah ang nag-aasikaso sa papeles nito, at kasama siya sa tuwing kailangan ni Agatha ng appearance sa government offices. Isang linggo na sila roon sa Maynila at malapit nang darating si Xander at lawyer ni Mitsuki sa Tokyo. Busy pa raw ito kaya umurong ang petsa ng pagdating nito. May sariling sasakyan na ring ginagamit si Agatha at driver. Pabor iyon sa kaniya dahil gumaan ang kaniyang trabaho. While Agatha was in the office with her tutor, he got a chance to do his outside job. Tumambay siya sa lobby sa labas ng opisina ni Agatha. Sinimu