NAUNA pang nagising si Agatha kasya kay Baldwin. Napasarap ang tulog niya at ayaw pa sana niyang bumangon pero kinakalikot ni Agatha ng kung anong bagay ang tainga niya. Kahit anoong waksi niya sa kamay nito ay ayaw tumingil. Bumangon na lamang siya. “I’m hungry, Blandon,” reklamo nito. Sinipat niya ito habang nakaluhod sa sahig sa tapat niya. Nakaligo na ito pero pantulog pa rin ang damit. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok nito. “Magpahatid na lang tayo ng pagkain dito,” tinatamad na sabi niya. Tumayo ito at sumigla ang mukha. “Puwede?” “Oo naman. Tatawag lang tayo gamit ang telepono.” Lumapit siya sa desk sa may gilid ng closet kung saan nakapatong ang telepono. Nagtataka siya bakit nakalawit ang receiver ng telepono. Nilingon niya si Agatha na pangiti-ngiti habang itinatago ang