NANG dumating ang guro nila ay bumalik na sa silya nito ang babae na Kitty ang pangalan. Rumampa ito na tila modelo sa napanood niyang movie. Sumulyap pa sa labas si Agatha. Nang makita si Baldwin ay napanatag siya. Naging uneasy siya nang isa-isa nang magpakilala ang mga kaklase niya. Panay pa rin ang sipat niya sa labas. Nang kumaway sa kaniya si Baldwin at ngumiti ay nagkaroon siya ng lakas ng loob. She confidently introduced herself in front of her classmates. Mabuti na lang pamilyar na siya sa ibang itinuturo ng guro. Advance ang turo sa kaniya ni Yannah kaya may ideya na siya. Hindi man eksaktong katulad sa module niya, at least pareho ang paksa. Pansin niya na mailap sa kaniya ang ibang kaklase niya lalo mga babae. Inisip na lang niya na baka ganoon talaga ang ibang tao, hindi fri