UPANG matiyak na tama ang code na nakuha ni Baldwin kay Agatha ay pinuntahan ulit niya si Gabriel at pinakita ang four digit codes. Inilista niya ito sa papel. “Saan mo ito nakuha, Orlando?” tanong ni Gabriel habang nakatitig sa papel na pinakita niya. Pinangatawan na niya ang papel bilang kaniyang ama dahil iyon ang akala ni Gabriel. Wala namang kaso iyon sa kaniya. He can act like his father. Talagang tumatak na sa isip nito na siya ang kaniyang ama. Pumasok siya sa kuwarto nito at tinabihan sa gilid ng kama. “Nakuha ko iyan sa ulo ni Agatha naka-tattoo,” tugon niya. “Sino si Agatha?” Matiim itong tumitig sa kaniya. “Si Agatha ang nag-iisang anak na babae ni Mitsuki.” Napatayo si Gabriel. “Oo nga! Naalala ko na! Anak nga ni Mitsuki ang batang iyon. Sa ulo niya pinalagay ni Mitsuki