HINDI kinausap ni Agatha si Xander nang tumawag ito kay Baldwin. Kinumusta lang naman daw siya at nangako na magdagdag ng security personnel para sa proteksiyon niya. She promised not to accept any help from Xander. Her trust is only for the man who saved her life, and it’s Baldwin. Sabado ng umaga ay maagang umalis si Baldwin. Nagising siya na wala na ito sa kaniyang tabi. Hindi man lang ito nagpaalam na aalis pala. Matamlay siyang bumangon at dumiretso sa hapag-kainan. Naabutan niya roon si Yaya Helen na pinapakain si Kilawin. “Mabuti nagising ka na, hija. Malamig na ang pagkain pero iinitin ko na lang,” sabi nito. Umupo siya sa silya katapat ng lamesa. Nakasimangot na pinagmamasdan niya ang nakataob na plato sa kaniyang harapan. She felt empty. Without seeing Blandon or Baldwin was l