NAGLULUTO na ng tanghalian si Agatha katuwang si Lily sa kusina pero hindi pa niya nakikita si Baldwin. Nauna pa naman itong natulog sa kaniya pero siya ang unang nagising. Mababaw lang kasi ang tulog niya. Kung sa bagay, mahaba-haba rin ang naitulog niya noong hapon. Mamaya ay biglang sumulpot si Baldwin. Nakaligo na ito at nakabihis, nakaporma. Mukhang may lakad na naman ito. “Ipaghanda mo ng almusal si Baldwin, Agatha,” sabi sa kaniya ni Lily. Ito ang naghihiwa ng karne ng baka na maninipis. Tumalima naman siya. Pinaupo lang niya ang binata at pinagsilbihan. Kahit naman hindi siya sinabihan ni Lily ay talagang ipaghahanda niya ng pagkain si Baldwin. “Ang aga mo atang nagising, Agatha,” ani ni Baldwin habang sumusubo ng pagkain. “Maaga?” maang niya. Alas-siyete ng umaga na rin siya