BUSY na si Agatha habang kausap si Clear sa video call. Hindi na ito inabala ni Baldwin. Kalahating oras lang silang nagpahinga pagkatapos mananghalian ay nagyaya na si Blandon na aalis sila. Hindi naman siya magtatagal sa meetup nito ng kaibigang agent at may-ari ng private investigation agency. Ang talagang pupuntahan niya ay si Gabriel. Masaya siyang nakilala si Prosecutor Ronald Vanderas na siyang may-ari ng St. Agustin Investigation Agency. Anak ito ng kaibigan ng daddy nila. Ronald was also a NBI agent before. He was a good prosecutor. Aware rin ito tungkol sa Black Rose Society. “I remember you, Baldwin. Nagkita na tayo before sa agency ninyo noong dumalaw kami ni Dad,” ani ni Ronald. Naroon sila sa opisina nito sa ahensiya at pinag-uusapan ang tungkol sa BRS. Pamilyar nga ito sa