LATE na ang almusal ng magkasintahan. Mabuti na lang may baong damit si Baldwin. Naroon din ang asawa ni Blandon na si Lily. Nakasabay nila itong mag-almusal. Naiilang si Agatha kay Lily dahil ramdam niya na tila hindi siya nito gusto. Pero katagalan habang magkatuwang silang nagliligpit sa kusina ay nakakausap na niya ito. Lily was pregnant, and according to Yaya Helen, a pregnant woman was moody. “Do you know how to cook, Agatha?” tanong ni Lily. Ito ang nagsasabon ng mga platong ginamit nila. Siya naman ang nagbabanlaw ng mga iyon. “Uh, I had learned basic cooking from Yaya Helen,” nakangiti niyang tugon. “Anong ulam kaya mong lutuin?” “Like chicken adobo and sinigang. Marunong din akong magprito ng itlog at isda, manok kaso takot ako sa tumatalsik na mantika.” Natawa siya sa kan