Chapter 11

2021 Words
HINDI na ulit nakatulog si Agatha. Pagkatapos niyang kumain ay nagbasa siya ng pocketbook na hiniram niya kay Ate Susan. Love story ang kuwento kaya naingganyo siyang basahin kahit may mga bagay siyang hindi maunawaan. She could feel the emotions that the story had. It was written in Filipino, malalalim kaya may ibang hindi niya maintindihan. Good thing, Xander bought her a Filipino-English dictionary before, and Yaya Helen teaches her a lot about the native language. Madalas din itong magsalita ng hindi Tagalog katulad ng naririnig niya kapag kausap nito sina Ate Susan at Antonia. Hindi naman iyon salita sa Japan kasi may nainintindihan naman siya. Ang bagal niyang magbasa. Wala pa siya sa kalahati ng libro ay maliwanag na sa labas. Naintindihan na niya bakit nagalit sa kaniya si Blandon. Ang aga nga naman niyang nambulahaw, puyat ito at nasipa pa niya sa bayag. She loves the term ‘bayag’, iyon ang turo sa kaniya ni Yaya Helen, na hindi raw gaanong pangit pakinggan in Tagalog term of p***s. May nabasa rin siyang ganoon sa pocketbook. Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Malamang ay si Yaya Helen ito. Pero ang aga naman ata nitong kumatok. Tumayo siya at lumapit sa pintuan. Pagbukas niya’y si Blandon ang tumambad sa kaniya. Nakasuot lamang ito ng puting hapit na kamesita at itim na short pants. He’s handsome even though his eye bags were swollen. “Maligo ka na at magbihis ng magarang damit. Darating mamaya ang lawyer ng kompanya mo at manager,” sabi nito. “Kompanya ko?” maang niya. “Yes, kanino pa ba?” “But Xander was the one who took care of my dad’s businesses. I don’t have the rights to own this since I have nothing to do to help the company.” “Still, you’re the owner. Kaya nga dapat mag-aral ka about business para alam mo kung paano ito pamamahalaan.” “No, I want to be a doctor,” giit niya. Bakas ang iritasyon sa mukha ni Blandon. Baka sigawan na naman siya nito kaya hindi na siya nangulit. “Okay, I’ll take a bath,” sabi na lamang niya saka isinara ang pinto. Pumasok kaagad siya sa banyo at naligo. Wala man lang heater ang shower. Inuungot niya iyon kay Blandon pero hindi pa nalagyan. Nagpapakulo siya ng tubig pero mabuti hindi ganoon kalamig ang tubig. Mabilis lang siyang naligo. Na-miss niya bigla ang kuwarto niya sa bahay nila sa Tokyo. Naisip niya, sino na kaya ang titira sa kuwarto niya? Baka nagdala ng babae si Xander at doon pinatulog. Hindi siya papayag! Pagkatapos maligo ay hindi siya makapili ng damit na isusuot niya. Tinawag na niya si Yaya Helen. Ito ang nagdesisyon kung ano ang damit na babagay sa kaniya. Pinili nito ang magenta strapless dress. She looks teenager, yet she loves the color. Hinayaan niya na nakalugay ang kaniyang buhok na aalon-alon. Mas bagay raw kasi iyon sa kaniya, dalagang-dalaga siya. “What dalaga usually do, Yaya?” tanong niya habang nakaupo siya sa silya katapat ng malaking salamin ng lamesa. Sinusuklay nito ang buhok niya. “Ang mga dalaga ay may kaniya-kaniyang ugali naman, depende siguro sa environment at generation. Sa henerasyon mo ngayon, ang mga dalaga ay mahihilig sa online activities, chatting with their friends on f*******: or Twitter.” “Ano po ang f*******: at Twitter?” curious niyang tanong. “Apps iyon sa cellphone. Doon, marami kang makikilalang ibang tao na puwede maging kaibigan.” “Ibig sabihin ay makakausap ko sila?” “Puwede rin. Pero hindi mo sila makikita nang personal, unless kung magkasundo kayo na magkita sa kung saan.” Na-excite siya tungkol sa f*******:. Bakit ba hindi niya iyon nalaman noon pa? Palibhasa hindi siya pinagagamit ni Xander ng cellphone. Ang tablet na ginagamit niya ay puro laro lang at recorded videos tungkol sa online class niya at dadalawang movies na ang mga karakter ay mga nagtatrabaho sa ospital. “Paano po ako magkakaroon ng cellphone? Nabibili po ba iyon?” “Oo naman. Pero alamin muna natin kay Blandon kung puwede ka nang gumamit ng cellphone. Siya lang kasi ang nakakausap ni Sir Xander at puwedeng magdesisyon para sa iyo.” Ngumiwi siya. Bakit ba lahat ng gusto niyang gawin ay kailangang ipaalam kay Xander? Iyon ang palagi niyang tanong. No one trusting her wherever she goes. Well, it’s her fault, naman. Sabi nga ni Xander, she’s a human form of disaster. Kapag naputa siya sa ibang lugar, may nasisira siyang mga bagay, may nasasaktan at naaaway. Eh sinusunod lang naman niya ang mga payo ni Xander. Hindi tuloy niya alam kung sino sa kanila ang may problema. “Ayan, maayos na ang buhok mo. Hindi mo na kailangang magpahid ng lipstick kasi mapula na ang iyong mga labi,” ani ni Yaya Helen. “Lipstick? Iyon ba ‘yong kulay pula na kinukusos sa labi para pumula?” Napanood niya iyon sa movie. Ang mga babae ay palaging nagpapahid niyon sa mga labi. “Yap, pero sa palagay ko ay hindi mo na iyon kailangan.” “Bakit naman? Gusto ko niyon, Yaya. Tapos kukulayan din sa cheeks ko at eyelid, then guguhitan ng lapis ang kilay.” “Nako, hindi mo na kailangan ang mga iyon. Ang ganda-ganda mo na.” “Nagpapaganda ba iyon?” “Oo naman.” “Eh bakit si Ate Susan kahit naglalagay ng lipstick hindi naman gumanda?” aniya. Natawa ang ginang. Ilang beses kasi niyang nakita si Ate Susan na nagpapahid ng lipstick at ginuguhitan ang kilay pero hindi siya nagandahan. At saka walang buto ang sa ilong, flat, may konting umbok lang sa itaas ng dalawang malaking butas. Para ngang ilong ng unggoy. “Hoy, huwag kang nanlalait ng kapwa, Agatha! Bad iyon.” ani ni Yaya Helen. “Nanlalait, you mean bad na sabihin kong pangit si Ate Susan?” “Ah, eh, walang pangit na tao.” “Eh kasi ang ilong niya, parang sa monkey.” Hinampas siya nito sa kanang balikat. “Uy, bad ka, ah. Maganda naman si Susan, sadyang ganoon ang ilong niya.” Tiningala niya ang ginang. Hindi rin matangos ang ilong nito pero hindi ganoon kalaki ang mga butas. “Sorry, Yaya. I’m just telling the truth based on what I had observed,” aniya. “Oo na. But sometimes, the truth hurts us.” Bumungisngis siya. “Gano’n pala iyon.” “Oo. Oh siya, tayo na’t mag-almusal ka na.” Tumayo naman siya at sumunod dito. Si Yaya Helen lang ang kasabay niyang nag-almusal. Naliligo raw kasi sa swimming pool si Blandon. Binilisan niya ang pagsubo dahil gusto niyang mapanood kung paano lumangoy si Blandon. Halos mabilaukan na siya kamamadali. “Magdahan-dahan ka naman, hija. Mabulunan ka, uy!” sita ni Yaya Helen. Hindi siya nakinig. May pagkain pa ang bibig niya ay tumayo na siya at nagpaalam dito. Tumakbo siya sa gawing kaliwa ng mansiyon kung saan ang swimming pool. Saktong umahon mula sa tubig si Blandon, tanging itim na underwear ang suot nito. Napako ang mga paa niya sa sahig nang masilayan ang kabuuan nito. His masculine chest formed perfectly, the same with his small muscles parted in six on his stomach. For her, Blandon body was better than Xander. Para itong bida sa napanood niyang movie. And her eyes landed on the lower part of his torso. There’s a big thing hidden inside, but the size was visible, parang mas malaki iyon kaysa kay Xander, as she always insisted. Her hands were on her back while swaying her body. Palapit na sa kaniya si Blandon habang tinutuyo ng tuwalya ang basang katawan nito. He looks serious. “Have you done your breakfast?” tunong nito nang huminto sa kaniyang tapat. Hindi niya mapigil ang kaniyang mga mata na sulyapan ang katawan nito. Takaw-pansin kasi. Para talaga itong artista sa movie. Kumurap-kurap siya nang hawakan nito ang baba niya at bahagyang iniangat ang kaniyang mukha. Tulalang napatitig siya sa mga mata nito. Gumalaw ang hinlalaki nito at may pinahid sa gilid ng labi niya sa kaliwa. An unusual heat rose from her flesh as if there’s a fire started to burn her. “Hindi ka pa nag-toothbrush. May kanin ka pang baon,” anito. Napatingin siya sa hinlalaki nito na may dumikit na kanin. Iyon na marahil ang nakuha nito sa gilid ng kaniyang labi. Uminit ang kaniyang mukha. Bigla siyang nahiya kay Blandon. Umatras siya. “I-I just want to watch you while swimming,” katwiran niya. “Bakit gusto mo akong mapanood?” Isinabit nito ang tuwalya sa leeg nito. Napasadahan na naman niya ng tingin ang katawan nito. Ang sarap kasi nitong titigan habang expose ang magandang katawan. “Wala lang. Gusto ko lang makita kung paano ka lumangoy,” nakangiting tugon niya. “Tapos na akong maligo. Next time mo na lang ako panoorin.” “Sige! Sabay tayong maligo ha?” excited niyang sabi. Matabang na ngumiti si Blandon. “Okay, but for now, mag-toothbrush ka muna. Parating na ang bisita natin,” anito. Hinipo lang nito ang tuktok ng ulo niya saka siya nilagpasan. Sinundan niya ito ng tingin. Pagkuwan ay pumasok na siya sa mansiyon at dumiretso sa kaniyang kuwarto. Doon na siya nagsipilyo, sa may banyo. Pagkatapos ay bumaba rin siya at tumambay sa lobby. Binuksan niya ang telebisyon at umupo sa couch. Nag-aalmusal pa lang si Blandon. Habang wala pa ang mga bisita ay nanood siya ng movie. Maraming channel na may magagandang movie na Tagalog ang salita kahit parang hindi naman pinoy ang mga artista. Karamihan ay dilaw ang mga buhok at blue eyes. Mayroon pa na parang pula ang buhok at gray eyes. Mamaya ay lumapit si Blandon. Tiningnan nito ang pinapanood niya. “Ang hilig mo sa action thriller movie, ah,” sabi nito. Umupo ito sa gawing kaliwang couch. Action lang ang alam niya. Tumango siya, tutok na tutok sa telebisyon. Nang may bumusinang sasakyan sa labas ay tumayo si Blandon at lumabas. Sinundan niya ito ng tingin. May mga boses lalaki siyang narinig na kausap ni Blandon. Mukhang iyon na ang mga bisita. She doesn’t care. Gusto niyang matapos ang movie, intense na eh. Pumasok na ang mga bisita. Nakatutok pa rin ang mga mata niya sa telebisyon. “Agatha, please turn off the television first,” utos sa kaniya ni Blandon. Humaba ang nguso niya. Pindot siya nang pindot ng remote pero ayaw ma-pause ng pinapanood niya. Dapat titigil iyon katulad ng sa movie player nila sa Tokyo. Gigil na siya. “What re you doing?” tanong ni Blandon nang lapitan siya. “I can’t pose the movie!” inis na sabi niya. Natawa ang lalaki. “Hindi iyan maaring ma-pause,” anito. “Hm, bakit ayaw?” Pumadyak ang kaniyang mga paa. “That’s not recorded. Kasama lang iyan sa TV shows ng network.” “No, I want to finish the movie!” giit niya. “Hindi nga iyan maaring ma-pause.” “How can I watch that again?” mangiyak-ngiyak nang sabi niya. Lumapit sa screen ng telebisyon si Blandon na tila may binasa. Pagkuwan ay humarap ito sa kaniya. “Panoorin mo na lang iyan sa laptop ko mamaya. Magda-download ako,” sabi nito. “Puwede?” Umaliwalas ang kaniyang mukha. “Oo naman. Ilista ko na lang ang title.” “Okay.” Pumayag na siyang i-off nito ang telebisyon. Ang dalawang mama na bisita nila ay seryosong nanonood lang sa kanila. Nakaupo na ang mga ito sa sofa na magkatabi. Binigyan naman ng meryenda ang mga ito ni Yaya Helen. The guy on the left looks familiar, but she can’t remember where she met him before. Puti na ang buhok nito, mataba ay medyo kulubot na ang noo. Ang katabi naman nitong lalaki ay medyo bata pa, maskulado at hindi kaputian ang balat. May suot itong maliit na eyeglasses na mga mata lang ang natatakpan. They were both wearing a black suit like Xander always wore when he was going to the office. She doesn’t know how to approach them, so she waits for Blandon to assist her.                          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD