TAHIMIK lang si Agatha habang pinakikiramdaman ang mga bisita na kausap ni Blandon. Katabi niya ito sa sofa kaharap ng dalawang bisita. Mamaya ay nagpakilala ang mga ito sa kaniya.
“I’m Atty. Manuel Salvador, Ms. Agatha. I’m your late father's lawyer to his companies here in the Philippines. I also handle the cases about the company and assist you with your rights as the only heir of your father,” sabi ng mama na puti ang buhok.
Hindi niya lubos naintindihan ang sinabi nito pero ngumiti siya. “Nice to meet you, mister,” sabi niya.
Nabaling naman ang tingin niya sa katabi nitong lalaki na mas bata. Malapad itong ngumiti.
“I’m Lester Amado, Ms. Agatha. I’m the new business manager of Shaturi Group of Companies here in the Philippines, assigned by your guardian Xander. I have also worked for Shaturi airline company based in South East Asia as a manager before. I had met your father ten years ago when I was taking an internship at the company. I am glad to meet you in person, ma’am. I will do my best to teach you about the company management,” sabi nito.
Sa haba ng sinabi ni Lester ay iilan lang ang nag-sink in sa utak niya. She hates the idea of business management, and it seems they will persuade her to do the responsibility to her father’s companies.
“Nice to meet you too, Mr. Lester. But I can’t promise to adapt the business-related activities easily. I want to study first,” aniya, trying hard to talk to them professionally.
“It’s okay, ma’am, we understand your situation. We’re here to meet you in person and to inform you about the status of your company. And if you have free time, you can visit the main office of the company. Mr. Blandon Cabrera will assist you anytime,” ani ni Lester.
Sinipat niya si Blandon. Tumitig din ito sa kaniya at ngumiti. “We will talk about it later,” anito.
Tumango lang siya. Pagkuwan ay hinayaan niya na ito ang makipag-usap sa dalawang bisita. Nakikinig lang siya kahit iilan lang ang maunawaan niya. Nasa isip pa rin niya ang movie na hindi niya natapos panoorin. Hindi puwedeng hindi niya mapanood ang ending niyon.
Nang makaalis ang mga bisita ay hindi niya nilubayan si Blandon. Sinugod niya ito sa study room kahit busy ito sa papeles na inaayos nito. Nakaupo ito sa harap ng lamesa.
“Blandon, please let me watch the movie,” pangungulit niya rito.
“Mamaya na pagkatapos ko rito.”
“I want it now,” matatag niyang sabi.
“Hindi puwedeng gusto mo lang ang masunod, Agatha. From now on, you need to learn how to act mature and decent.”
Niyugyog niya ang lamesa. Binato siya nito ng mahayap na titig at natitigilan sa ginagawa. Dumestansiya siya nang mapansing galit na ito.
“Please…” samo niya.
“I said, later. Mas importante itong ginagawa ko dahil para rin ito sa iyo. Mamaya kapag wala na akong ginagawa manood ka, samahan pa kita,” anito.
Umaliwalas ang kaniyang mukha. “Okay. I will wait for you in my room,” aniya saka ito tinalikuran at lumisan.
Siguresta siya. Iniisip niya na baka hindi gagawin ni Blandon ang pangako at bigla itong aalis. Nagtungo siya sa garahe kung saan nakaparada ang kotse nito. Naghanap siya ng maaring itusok sa gulong ng sasakyan. Kaso matigas ang gulong. Sa likurang gulong ay nakita niya ang maliit na bakal na nakausli sa rim ng gulong. Hinatak niya ang goma na takip nito. Biglang sumingaw ang hangin.
“Ayan, malambot na ang gulong. Isa pa,” nagagalak niyang sabi. Ang kabilang gulong naman ang pinasingaw niya ang hangin.
Nang magtagumpay ay pumanhik na siya sa kaniyang kuwarto. Aywan niya lang kung makaaalis pa si Blandon. Nakabihis kasi ito kaya alam niya na aalis na naman.
HINDI na nasagot ni Baldwin ang tawag ni Blandon. Malamang ay naghihintay na iyon sa kaniya sa opisina ng ahensiya nila. Inaayos pa niya ang papeles na iniwan ni Atty. Salvador para kay Agatha. Hindi rin naman iyon maiintindihan ng dalaga kahit ibigay niya upang basahin nito.
Nagpagawa rin siya ng module kay Lester tungkol sa basic business terms para may matutunan naman si Agatha. Kinopya niya sa kaniyang laptop ang files na mayroong video tutorial tungkol sa nature ng business ng Shaturi Group.
Tumunog na naman ang kaniyang cellphone para sa tawag. Dinampot niya ito at sinagot nang malamang si Blandon ang tumatawag.
“Nasaa ka na, bro?” kaagad ay tanong nito.
“Narito pa ako sa Shaturi mansion,” tugon niya.
“Kailan ka ba pupunta rito? Pag-uusapan natin ang tungkol sa mapa at initial investigation result tungkol kay Xander.”
“Dumating kasi si Atty. Salvador at Mr. Amado. Nag-assist pa ako kay Agatha.”
“Saka na iyan. May nakausap na akong tutor ni Agatha at assistant niya na mag-assist sa kompanya.”
“Bro, we can’t force her to face the company. Masyadong nag-aapura si Xander para ma-expose si Agatha sa mga tao pero mali. Hindi pa handa si Agatha. Kailangan muna niyang mag-aral.”
“That’s not our concern, bro. Unahin mo ang imbestigasyon at ang paghahanap sa code para mabuksan ang underground facility. Baka mamaya niyan ay mabuking na tayo ni Xander at mapurnada ang plano.”
Napasintido siya. Tama naman si Blandon. Ang code lang naman ang kailangan nila at nang matumbok na ang hinahanap nilang suspect sa pagpatay sa kanilang ama. Pero tila nakatali na rin siya sa responsibilidad kay Agatha. Lalo na’t napapalapit na sa kaniya ang dalaga.
“Okay, pupunta ako riyan ngayon. Tatakasan ko muna si Agatha,” aniya pagkuwan.
“Sige. Bilisan mo lang dahil may duty pa ako sa istasyon namin after lunch.”
“Copy that.”
Naputol na ang linya. Sininop na lamang niya ang mga papeles at itinago. Kulang pa ang tulog niya dahil ang agang nambulahaw ni Agatha. Mababaw lang ang tulog niya kaya konting ingay lang ay kaagad siyang nagigising. Sa second floor ng mansiyon kasi ang inukupa niyang kuwarto para malapit kay Agatha. Mukhang kailangan muna niyang iwasan ang dalaga.
Bitbit ang kaniyang laptop ay lumabas siya ng mansiyon. Binuksan na niya ang kotse at dagli siyang lumulan. Nang pinaandar na niya ito ay nagtataka siya bakit parang lumundo nang husto ang sasakyan at umiingit ang gulong nang magmaniobra siya. Tumalilis siya. Pagtingin niya sa dalawang gulong sa likuran ay flat na flat pareho, tila naubusan ng hangin.
“Tangna naman, oh. Paano na-flat ito? Bago ang mga gulong na ito, ah,” inis na sabi niya. Pinisil pa niya ang gulong, ang lalambot. Panay ang pagmumura niya. Kung kailan nagmamadali siya ay saka naman nagkaganoon.
“Lowel!” tawag niya sa kaniyang agent.
Patakbong sumugod naman ito sa kaniya. “Bakit po, sir?” anito.
“Pakihanap nga si Mang Armando at patanong kung mayroon siyang pambomba ng hangin,” aniya.
“Sige, sir.” Tumalima naman ito.
Panay ang buntong-hininga niya habang nakasandal sa likuran ng kotse. Naloko na, lumabas na si Agatha! Nahagip siya ng paningin nito.
“Blandon, saan ka punta?” nakangiting tanong nito.
“Uh, nagpapahangin lang,” pagsisinungaling niya.
“Manood na tayo ng movie, oh, please…” Nilapitan pa siya nito at namulupot ang kanang kamay sa kaliwang braso niya.
Dumikit pa ito kaya sumadsad ang malulusog nitong dibdib sa kaniyang braso. Nagtagis ang bagang niya nang gupuin siya ng nakakikiliting init. Napakalaking tukso ang babaeng ito. Pero bakit naman siya matutukso sa isip-bata na ito? Marami siyang fling na mas sexy at maganda, magaling pa sa kama.
Dumikit pa si Agatha at nasilip niya ang namumutok nitong cleavage. Marahan niyang inalis ang kamay nito sa braso niya saka siya dumestansiya.
“Mamayang gabi na lang, marami pa akong gagawin,” alibi niya.
“Hm, matagal pang gumabi. Ngayon na, please…” pilit nito.
“Manood ka na lang muna ng ibang movie. Hindi ko pa mahanap iyong pinanood mo kanina.”
Humaba ang nguso nito. “Ang sabihin mo, aalis ka na naman!” maktol nito.
“Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na marami akong trabaho? Hindi lang ikaw ang iniintindi ko, Agatha. Mahirap bang unawain iyon? You can’t please me to do what you want.”
Umasim ang mukha nito at padabog na iniwan siya. He took a deep breath. Mukhang mahihirapan siyang baguhin si Agatha. Though teaching Agatha to learn more things and change her behavior was not his obligation, he still wanted to help her. Of course, if Agatha acts normally and decently, it would be easier to do his job.
Hindi rin naman siya sigurado kung hanggang kailan siya magpapanggap bilang si Blandon at maging escort ni Agatha. Kahit papano ay may magawa rin siyang mabuti sa kaniyang kapwa, lalo sa katulad ni Agatha na uhaw sa atansiyon ng ibang tao. Oras na magtagumpay sila sa kanilang misyon, ipauubaya rin nila si Agatha sa mga eksperto. Iyon ang napag-usapan nila ni Blandon bago sumabak sa misyon.
Maya-maya ay nakabalik na si Lowel pero walang dala na kung ano. Sumakit bigla ang bunbunan niya. Dinapuan na ata siya ng stress.
“Sorry, sir, walang pambomba ng hangin si Mang Armando. Pero maghahanap po siya ng mahihiraman sa labas,” sabi nito.
“Sige, hihintayin ko na lang,” aniya.
Umalis naman si Lowel at bumalik sa pag-iikot sa mansiyon.
Naghintay pa ng isang oras si Baldwin bago dumating si Mang Armando dala ang hiniram nitong pambomba ng hangin. Pinuno niya ng hangin ang dalawang gulong para siguradong hindi lalambot.
Late na siya. Isang oras na lang ang nalalabi para makapag-usap sila ni Blandon. Masesermonan na naman siya nito. Nabinbin pa siya sa traffic papasok ng Metro Manila. Palagi naman. Kahit anong oras ata siya bibiyahe ay buhol-buhol ang traffic, maliban na lang kung madaling araw.
Pagdating sa opisina ng kanilang ahensiya ay nadatnan niya sa extension sina Blandon at Lily na kumakain. Ginutom na rin siya kaya nakikain siya kahit hindi siya inalok ng mga ito.
“Sana bumili ka ng pagkain sa labas. Hindi ka kasama sa budget namin ngayon,” ani ni Blandon.
Nakapuwesto na siya at sumusubo. Hindi niya pinansin ang kapatid.
“Ang harsh mo naman, hon. Marami naman itong kanin na niluto ko. Kulang nga lang ang ulam,” saway ni Lily sa asawa.
“Para kasing hindi sundalo itong si Baldwin. Palaging late sa oras ng meeting,” angal ni Blandon.
Nilunok muna niya ang pagkain bago tumalak. “Paanong hindi ako ma-late eh flat ang dalawang gulong ng kotse ko sa likuran? ‘Tapos traffic pa. Isama pa ang oras ng pangungulit sa akin ni Agatha,” aniya.
“Sabi ko naman sa iyo, don’t mind her. Baka masanay siya sa iyo at hindi ka na makaalis.”
“Tsk! Kung alam mo lang, Bland. Halos wala akong tulog dahil sa babaeng iyon.”
“Bakit na naman? Ano ba ang problema bakit nawala si Agatha? Saan siya nagpunta kagabi?”
Lumagok muna siya ng tubig. “Nakatulog siya sa kural ng kabayo,” tugon niya pagkuwan.
“Ano?” Natawa si Blandon.
Pati si Lily ay natawa.
“Nagtago siya roon matapos dinikwat ang cellphone ni Lowel dahil gustong maglaro ng ML. Pero nang datnan ko, p*rnographic film ang naka-play sa cellphone na nakatulugan niya. Itong Lowel kasi, hindi tinatago ang collection na videos,” palatak niya.
Tawa nang tawa si Blandon. “I told you, Agatha’s curiosity kills normal people. Ilang beses ko ring nahuli nanonood ng erotic movies iyon.”
“Pero mukhang hindi naman niya iniintindi ang pinapanood niya. Action lang ang gusto niya.”
“Basta huwag mong papanoorin ng horror, mabubulabog buong Pilipinas.”
Ngumisi siya. “Tatanda ako’ng maaga sa babaeng iyon, bro.”
“Konting tiyaga pa, Bald. Magkakasundo rin kayo.”
Iiling-iling lang siya.
Nang umalis si Lily ay inilatag ni Blandon ang mapa sa lamesa na inalisan ng kobyertos. Gawa sa abuhing makapal na tela ang mapa kung saan nakaguhit ang lokasyon ng underground facility.
“Ayon sa source ko, maaring nagkakahalaga ng isang daang bilyon US dollar ng mga antic na ginto at ibang alahas ang nakatago sa underground, estimated lang iyon base sa biding records ni Mitsuki sa auction kung saan nito nakuha ang mga alahas at antics. Maliban sa alahas at antics, may mga antic firearms doon na accurate pa rin. Naroon din ang high-tech devices na kayang mag-store ng files kahit ilang dekada na nang nakaimbak. Iyon ang dapat na makuha natin para matukoy ang naudlot na imbestigasyon nina Mitsuki at ni Dad tungkol sa pinupunterya nilang sindikato. Maaring may kinalaman din ang mga iyon sa pagkamatay ni Dad at ni Mitsuki,” sabi ni Blandon batay sa natuklasan.
Patuloy pa rin ang pagsubo niya ng pagkain kahit sarsa na lang ng adobong manok ang ulam niya. Ginutom talaga siya dahil sa stress.
“Kailan naman natin pupuntahan ang underground?” tanong niya.
“Kapag nakuha na natin ang code na makapagbubukas sa pintuan ng underground. Maliban sa code, kailangan pa pala ng biometric scanning ng authorize person, na hindi ko alam kung sino. Pero puwedeng mabuksan ang pinto gamit lang ang code. May ilang facility lang sa loob na kailangan ng biometric ng authorized person, katulad ng pasilidad kung nasaan ang mga alahas ni Misuki at ibang kayamanan.”
Napabuga siya ng hangin. Mukhang aabutin sila ng dekada bago mabuksan ang underground. Wala man lang hint kung saan matatagpuan ang code. Hindi iyon nasabi ng daddy niya dahil sa lapastangang nagpasabog ng bomba malapit sa kanila at tuluyang kumitil sa buhay ng kaniyang ama.
Nanginginig pa rin siya sa galit sa tuwing naaalala ang insidente na ikinasawi ng kanilang ama sa mismong dating headquarter ng ahensiya nila. Hindi siya matatahimik hanggat hindi nakakamit ang hustisya at mahuli ang utak sa pag-atake sa headquarter, at ang taong bumaril sa kaniyang ama gamit ang sniper riffle. Nakita niya noon ang pulang ilaw na tumama sa dibdib ng daddy niya bago ito natamaan ng bala.
Nahagip pa ng paningin niya noon ang sniper na nakapuwesto sa bubong ng gusali. Parang bangungot na patuloy iyong bumabalik sa kaniyang isipan. Ilang buwan din siyang nagdusa sa trauma na kaniyang natamo sa insidente.
Pinag-usapan naman nila ni Blandon ang tungkol sa ongoing investigation kay Xander. Maliban sa imbestigasyon ng ahensiya, may sikreto rin siyang pagsisiyasat base sa kaniyang nalalaman batay sa target.