Chapter 13

2230 Words
NAIWAN sa opisina ng Black Sparrow si Baldwin dahil gabi pa uuwi si Blandon. Nasa istasyon ito ng pulis at ginawa ang tungkulin. Iniwan nito sa kaniya ang papeles na kailangang ayusin. Siya rin ang humarap sa mga nagre-report nilang agent. Marami rin palang kaso na hinahawakan si Blandon, maliban sa kaso ng Mitsuki family. Hawak pa ng daddy nila ang kaso ni Mitsuki bago ito namatay. Maraming unfinish business ang kanilang ama na hindi niya inakalang mas mahirap pala. He felt regret as he realized how stupid he was before. He didn’t care for his dad’s plans. Ang akala niya’y sapat nang napagbigyan niya ito sa kagustuhan na maging sundalo siya. Naging sundalo nga siya pero pinili niya na sa ibang bansa magsilbi. Ganoon din naman ang daddy niya. Naging US army ito matapos ang sampung taong paninilbihan sa Pilipinas. May dalawang oras na siyang nakaupo sa swivel chair sa harap ng lamesa ni Blandon. Marami pa rin ang nalilito sa kanila ng kakambal niya. Mas kilala si Blandon kaya ganoon ang tawag sa kaniya. Mistulang replika lamang siya ni Blandon sa salamin. Abala siya sa pagre-review ng case files nang tumunog ang kaniyang cellphone. Si Manang Helen ang tumatawag. Dinampot niya ang kaniyang cellphone saka sinagot ang tawag. Balisang tinig ng ginang ang bumungad sa kaniya. Malamang may problema na naman ito kay Agatha. “Sir Blandon, si Agatha ayaw lumabas ng kuwarto. Hindi pa siya nag-lunch. Ayaw niyang buksan ang pinto, eh hindi ko makita ang duplicate,” sumbong ng ginang. Napasintido siya nang maalala na dala pala niya ang duplicate ng lahat ng susi sa mansiyon. “Ano ba ang ginagawa niya sa loob ng kuwarto?” wala sa loob na tanong niya. “Eh hindi ko nga po alam. Tahimik naman. Katok ako nang katok hindi siya sumasagot. Nag-aalala ako baka ulitin na naman niya iyong ginawa niya noon sa Tokyo.” “Ano ba ang ginagawa niya?” balisang tanong niya. “Kasi dati noong nagtampo siya kay Sir Xander, nagkulong din siya sa kuwarto, hindi kumain. Nang pasukin namin ni Sir Xander nadatnan namin siya na may hiwa ng blade sa kaliwang braso niya,” kuwento nito. Napabalikwas siya ng tayo. “Sige, uuwi ako riyan. Katukin n’yo lang nang katukin ang pinto ng kuwarto niya,” aniya. “Sige, sir.” Pinutol na niya ang linya. Natatarantang sininop niya ang kaniyang gamit. Nag-text na lamang siya kay Blandon at sinabing uuwi muna siya sa mansiyon. Panay ang pagmumura niya habang paalis. Iniisip pa lang niya ang kuwento ni Manang Helen ay inuusig na siya ng kaniyang konsiyensiya. Halos paliparin na niya ang kotse makarating lang kaagad sa Laguna. Rush hour pa kaya dikitan ang mga sasakyan sa kalye. Dumidilim na sa paligid. Nang makalusot sa buhol-buhol na traffic ay pinaharurot na niya ang sasakyan. Alas-otso na ng gabi siya nakarating sa mansiyon. Sinalubong kaagad siya ng mga kawaksi. Tinakbo naman niya ang hagdaan patungong second floor. Naabutan niya si Manang Helen na kumakatok pa rin sa pinto ng kuwarto ni Agatha. Mangiyak-ngiyak na ito. Inilabas niya ang kumpol ng susi at hinanap ang susi ng kuwarto. Bihira siya mataranta nang ganoon. Hindi biro nga naman kung madatnan nilang nakahandusay sa sahig si Agatha at walang buhay. Lagot siya nito kay Xander. Pagbukas ng pinto ay kaagad siyang pumasok. Wala siyang makitang Agatha sa loob ng kuwarto. Maayos ang kama at tahimik. Nang tingnan niya sa banyo ay wala ring tao, maging sa study room na siyang extension ng silid. Ang napansin niya ay ang nakabukas na bintana at may nakalawit na pinagdugtong na dalawang kumot. Napadungaw siya sa bintana. Kinabahan siya nang maisip na baka nagbigti roon si Agatha pero wala namang nakasabit sa dulo ng kumot. Nakakonekta ito sa headrest ng kama. Napasilip din sa bintana si Manang Helen. “Diyos ko! Nasaan kaya ang batang iyon?” anito. Bigang pumintig ang sintido ni Baldwin. Tutubuan ata siya ng nerbiyos dito kay Agatha. Nagtatagis ang bagang na lumabas siya ng kuwarto. Bakit dumaan pa sa bintana si Agatha, eh hindi naman ito kinulong? Ano kaya ang trip nito? Nabulabog na naman ang mga tao sa mansiyon. Naghahanapan na naman sila. Ayon sa guwardiya, wala pa namang lumabas ng gate na babae. Sumugod na naman sila ni Lowel sa kural ng mga hayop. Naroon si Mang Armando at tinitingnan ang mga baka. “Manong, nakita n’yo ho ba si Agatha?” tanong niya rito. “Nanggaling siya rito kaninang hapon at kinulit nga ako na pasakayin siya sa kabayo. Hindi ako pumayag dahil may sakit nga ang kabayo,” anito. “Saan po siya nagpunta?” Hindi na naman siya mapakali. “Ang sabi niya ay uuwi na siya pero huli ko siyang namataan ay namumulot ng tuyong popo ng baka at ininipon sa sako. Ginaya niya ang ginawa ko. Eh naging abala ako kaya nakaligtaan ko siyang tingnan.” Napakamot siya ng ulo. Sinuyod na naman nila ang malawak na lupain. Napadpad siya sa masukal na kagubatan na mga puno ng mahogany ang nakatanim. Mabuti malaki ang flashlight niya at kitang-kita ang daan. He can’t imagine himself doing such a thing that he never did in his entire life, ang mag-alala nang husto sa ibang tao. Kung tutuusin ay hindi na niya trabaho na bantayan pati galaw ni Agatha sa loob ng bahay. Escort lang siya nito. Dapat ay sasamahan lang niya ito sa mga importanteng lakad. Pero hindi niya maiwasang huwag itong asikasuhin gayong sa kaniya ito ipinagkatiwala ni Xander. Sinuyod niya ang makitid na daan na mayroong inipon na bunga ng mahogany. Tumpok-tumpok ito na tila sinadya. Ang tila apa na inalisan ng bunga ay nakatusok sa lupa na parang mga kandila. Confirmed! Agatha was here. He tilted his head and realized that Agatha was the weirdest creature that he had ever met. Naglakad pa siya hanggang sa matanaw niya ang babaeng nakahilata sa damuhan, sa may lilim ng puno ng mahogany. Napatakbo siya palapit dito. Si Agatha nga! Niyugyog niya ang balikat nito pero umungol lang. Pinapak na ito ng lamok. Hindi pa ito nakapagbihis, iyon pa ring dress ang suot nang umaga. Mabuti nasundan siya roon ni Lowel. Ito ang pinadala niya sa flashlight saka niya binuhat si Agatha. Ang layo pa ng lalakarin nila pabalik ng kural kung saan niya iniwan ang kotse. Malapit na siya sa kotse nang pumiglas si Agatha at pinagsusuntok siya sa dibdib. “I hate you, Blandon! I hate you! I hate you, Xander! I hate you!” asik nito pero nakapikit. Kamuntik na niya itong mabitawan. Mabuti inalalayan ni Lowel ang likod nito na na-bend nang husto. Natadyakan pa nito ang pinto ng kotse niya mabuti hindi nabasag ang salamin. Ang lakas pa naman nitong sumipa. “Tangna! Masasakal ko na ‘tong babaeng ito, eh!” nauubusan ng pasensiyang sabi niya. Ipinasok niya ito sa backseat ng kotse. Bigla itong nagising at nagwala. Hindi siya makalapit dahil kaliwa’t kananng tumatadyak ang mga paa nito. Now he knows why Xander injected Agatha a kind of medicine to make her calm. Siguro ay pampatulog lang iyon--sana. Mayroon kasing gamot na itinuturok sa nagwawalang pasiyente, lalo sa mga may problema sa pag-iisip. Naranasan niya iyon noong tumambay siya sa psychiatric hospital at matindi ang shell shock niya noon. May nai-inject sa kaniya na bigla siyang nanghina at kumalma. Noong panahong iyon ay kagagaling nila sa matinding giyera na na-expose siya sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga kasama niya. Iyon ang unang sabak niya sa madugong digmaan na face to face ang laban. Ilang araw siyang hindi makakain at makatulog noon. The terrible scenes were reminding him all the time. He hears scream, cry of his co-soldier, and saw them begging for help. Akala nga niya ay hindi na siya makare-recover sa bangungot na iyon. But Agatha’s case was different. He doesn’t have an idea what was the cause of her condition. Maaring mayroong pangyayari na labis na nakaapekto sa utak nito. Pero base sa diary nito, nagkaroon ito ng amnesia. Nai-lock niya ang pinto ng kotse pero kinakalampag nito iyon mula sa loob. Sumakay na rin siya at si Lowel. “Let me out here, Blandon!” sigaw nito sa kaniyang likuran. Nanririndi siya sa ingay nito. Nagmaniobra kaagad siya at pinaharurot ang sasakyan. Pagdating sa mansiyon ay kaagad niya itong binuhat at ipinasok sa bahay. Nagwawala pa rin ito at sinusuntok siya sa dibdib at mukha. Sa inis niya’y inihagis niya ito sa kama pagdating sa kuwarto nito. Kinuha niya ang pinagdugtong nitong kumot saka iginapos sa mga paa nito at kamay. Para itong sinasapian ng masamang espirito. “I hate you! Isusumbong kita kay Xander!” asik nito. “Sige, magsumbong ka! Gusto mo bang pupunta rito si Xander at turukan ka ng kung ano?” hamon niya. Bigla itong tumahimik. Mamasa-masa ang mga mata nito dahil sa luha. “And bad ninyo. Bakit ninyo ako ginaganito?” humihikbing wika nito. Lumuklok siya sa paanan nito. “Ikaw ang may problema, Agatha. We treat you good, so be nice to us. Kung ganiyan ka, hindi ka puwedeng mag-aral sa normal school. Aayawan ka ng mga tao at aawayin. You’re not a kid anymore. You should act like a decent lady, so everyone around you would accept and loves you.” “No one will love me, Blandon. Xander didn’t love me, right?” “Hindi lang si Xander ang puwedeng magmamahal sa iyo. Narito kami na puwede mong maging pamilya.” “Can you love me, too, Blandon?” Namilog ang mga mata nito. Natigilan siya. As much as possible, he doesn’t want to be involved in Agatha’s life. He’s doing his job, and nothing will change. Ayaw niya na masanay ito sa kaniya, at ayaw rin niya na masanay rito. Iba rin siyang masanay, tipong ayaw niyang mawala sa kaniya ang bagay na minamahal niya. “Of course, I can love you as my little sister,” sabi na lamang niya. “Ang sabi mo ayaw mo akong maging kapatid. Ayaw mo na tawagin kitang kuya. Pareho lang kayo ni Xander, magulong kausap,” may tampong sabi nito. “Ayaw ko kasing mangako kung alam ko na hindi ko kayang panindigan. You can trust me, basta maging masunurin ka. Huwag ka nang pasaway para hindi tayo nag-aaway palagi.” Tumango ito. Kinalas na niya ang tali sa mga kamay at paa nito. Nagulat siya nang bigla itong lumapit sa kaniya at yumakap nang mahigpit. Hindi siya nakakibo nang maunahan siya ng agarang pagsikdo ng kaniyang puso. He’s not sure if it was because of surprise or odd feelings. The warmth from Agatha's body instantly ran through his vein, arousing the fierce heat from his innermost. Bago niya mabigyan ng mas malalim na kahulugan ang ipinapahiwatig ng kaniyang katawan ay nauna siyang kumalas dito. “Maligo ka muna. Pagkatapos ay bumaba ka sa kusina para sabay tayong kakain,” aniya. Tumango lang ito saka tumalima. Lumabas naman siya at dumiretso sa inuukupa niyang kuwarto. Naligo na rin siya dahil basa na siya ng pawis. Mabuti naikabit na ang water heater sa kuwarto. Hindi niya matantiya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya kay Agatha. He insisted that he just felt pity for her and cared for her as part of his promise to Xander and Blandon. Hindi siya ganoon kamaawain sa totoo lang. Or maybe it’s because he relates to Agatha’s condition. Noong bata siya, sobrang kulit niya, to the point na kinakadena ng daddy niya ang kaniyang mga paa dahil nagawa niya minsang sumakay ng bus mag-isa at nakarating siya sa Batangas. Kabaliktaran sila ni Blandon. Ang kakambal niya, taong-bahay, siya naman ay parang lalagnatin kung hindi makalabas ng bahay. Sakit siya ng ulo ng kaniyang ama. He’s mentally unstable since he was a kid. Ang dami niyang pinagdaanang trauma, at sa murang edad ay nakaranas siya ng depresyon. Palaging wala ang daddy nila noon dahil sa ibang bansa nagtarabaho. Wala silang ina na gumabay sa paglaki. Ang lolo niya sa mother side ay sobrang higpit sa kanila pero mga abala rin sa trabahao kaya katulong ang nag-aasikaso sa kanila. Madalas din siyang napapaaway noon sa school. Minsan ay hindi siya umuuwi ng bahay at kung saan-saan napapadpad. Napasama siya sa barkada na maagang nalulong sa alak at sigarilyo. Pero ang hindi lang talaga niya nagawa ay ang tumikim ng droga. Alam kasi niya na itatakwil siya ng kaniyang pamilya kapag ginawa niya iyon. Nauna na sa hapag-kainan si Agatha. Talagang hinintay siya nito. Pinainit ni Manang Helen ang mga pagkain dahil pasado alas-diyes na ng gabi. Lumuklok siya sa katapat na silya ni Agatha. Titig na titig ito sa kaniya, with puppy eyes. “Sorry, Blandon,” parang bata na sabi nito. Matabang siyang ngumiti. “Saying sorry mean, you promise to not do something stupid again. Panindigan mo ang sorry. Wala iyang silbi kung paulit-ulit ka pa ring gumagawa ng pagkakamali,” pangaral niya rito. “Sir, yes, sir!” Sumaludo pa ito sa kaniya. Napangiti siya nang malapad. He loves the way Agatha called him ‘sir’. Minsan talaga ang cute ng kakulitan nito. Yeah, he found her cute. “Let’s eat,” aniya. Nang kumuha siya ng pagkain ay kumuha rin ito. Kung ano ang kukunin niyang ulam ay ganoon din ito. Naloko na. Mukhang matatali na siya rito. Galaw lang niya ang binabantayan nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD