Chapter 14

2372 Words
KINABUKASAN paggising ni Agatha ay wala na naman si Blandon. Ang aga naman niyong umalis. Pero tuwang-tuwa siya nang sabihin ni Yaya Helen na nai-download na ni Blandon ang movie na hindi niya natapos panoorin sa telebisyon. Kaso sa cellphone lang ni Yaya Helen mapapanood ang movie. Binilisan niya ang pag-aalmusal upang makapanood kaagad siya. Pero may kondisyon si Blandon. Hindi raw siya maaring manood ng movie hanggat hindi siya nakaligo at kumain. Kaya naman ay pagkatapos ng almusal ay naligo siya. She’s not mad at him unlike yesterday. Nagtampo siya kasi kahit naalisan niya ng hangin ang gulong ng kotse nito ay umalis pa rin at hindi siya pinanood ng movie sa laptop nito. She hates liar people like Xander. Kaya kung anu-anong kalokohan na ang naisip niya. Alam niya na hindi siya palalabasin ng bahay kaya sa bintana siya dumaan noong hapon. Ginaya niya ang ginawa ng bida sa napanood niyang movie na ginawang lubid ang kumot upang makalabas ng bintana. She succeeded, and she explored the expansive forest, and she found the fantastic stuff from the trees. Ang ku-cute niyong mga brown na bunga kaso nang kagatin niya ang puting laman ay sobrang pait. Umuulan ng ganoong bunga at ang sarap laruin. Kaso inabutan siya ng antok doon. Ang sarap kasi ng hangin, malamig. Gusto ulit niyang bumalik doon pero baka hindi na siya ulit makatatakas pa. Pagkatapos maligo at nakapagbihis ng bulaklaking dress ay pinuntahan niya sa kusina si Yaya Helen. Naghihiwa ito ng gulay. Mayroon na ulit kalabasa na favorite niya. “Yaya, may I borrow your phone na? I’m done taking a bath,” aniya habang nakayapos sa kanang braso nito. “Isang movie lang raw ang panonoorin mo. Mamaya pagdating ni Sir Blandon, kasama na ang tutor mo,” anito. “Tutor?” Napalis ang ngiti niya. “Oo. Magsisimula na raw ang pag-aaral mo para may alam ka pagdating ng entrance exam sa university.” Ngumuso siya. Baka masungit na naman ang tutor niya. “Okay,” sabi lamang niya. Maya-maya ay ibinigay sa kaniya ni Yaya Helen ang cellphone nito. Binuksan na nito ang videos kung saan nai-save ni Blandon ang movie na gusto niyang panoorin. Nagpi-play na ito habang hawak niya. Nagtungo siya sa lobby at doon sa sofa umupo. Na-amaze siya. Nailipat ni Bandon sa cellphone ni Yaya Helen ang movie mula sa telebisyon? Paano kaya iyon? Kaso hindi na Tagalog ang salita sa movie kundi English. Bakit nagkaganoon? Her forehead knotted while watching the movie. Mas gusto niya iyong Tagalog ang salita. “Yaya Helen!” sigaw niya. Kumaripas naman nang takbo si Yaya Helen patungo sa kaniya. “Bakit?” hinahapong tanong nito. “Bakit po iba na ang salita ng movie? Iyong napanood ko sa TV ay Tagalog, eh,” reklamo niya. “Ah, kasi iyan ay na-download ni Sir Blandon sa internet, sa original version. Iyong napanood mo sa TV ay na-edit kaya naging Tagalog. Ibang tao ang nagsasalita roon,” paliwanag nito. Hindi pa rin niya maintindihan. “Bakit hindi iyon ang na-download niya? Saan ba niya ito kinuha? Hindi ba sa TV rin?” aniya. “Hindi, sa internet. Iyang sa TV na-download lang din mula roon sa original.” “Hm, whatever. Gusto ko iyong Tagalog, eh. Palitan mo, Yaya, please…” Niyugyog niya ang kanang kamay nito. “Ay Apo! Hindi iyan puwedeng palitan. Pareho lang naman iyan, eh. Mas maganda nga iyan kasi English, mas maintindihan mo.” “I can understand Tagalog naman, eh. Sige na, gusto ko iyon,” pilit niya. “Hindi nga puwede.” Dumating naman si Ate Susan. “Apay manon, Manang Helen?” tanong nito. She hates to hear their weird language. “Ate Susan, Do you know how to download the movie like this, oh, but the Tagalog one,” aniya. Napakamot ng ulo si Ate Susan. “Nako! Meron niyan sa Netflex kaso English din at may bayad,” sabi nito. “Saan ang Netflex? Can we go there?” Natawa si Ate Susan. “Ay hindi iyon lugar, balasang.” “Ano pong balasang?” curious niyang tanong. “Kuwan, dalaga. Balasang ang tawag namin sa dalaga roon sa Ilocos.” “Saan ang Ilocos? Can I go there?” Napalayo na ang usapan. “Nako, Manang Helen, bahala ka nang makipag-usap diyan sa alaga mo. Ako’y maglalaba pa. Adu ti obraon me,” anito saka lumisan Hindi na naalis ang kunot sa noo ni Agatha. Binalingan na naman niya si Yaya Helen. “Please, Yaya…” samo niya. “Hay, Apo! Anya dagitoy maaramid ko kenka, Agatha?” “Ano ho?” “Ang sabi ko, ano na lang ang magagawa ko sa ‘yo? Ay hindi ko maibigay ang gusto mo. Pagtiyagaan mo na lang iyang panoorin at hintayin mo si Sir Blandon. Magluluto pa ako,” anito. “Sige po. I’ll wait for Blandon na lang,” aniya at pinagtigaan na lamang ang movie. Iniwan na siya ni Yaya Helen. Pansin niya na tila naiinis na rin ito sa kaniya. Ganoon ba kahirap siyang unawain? Natapos din ni Agatha ang inuungot niyang movie. At last, she was satisfied with the ending. But still, she wanted to re-watch the Tagalog version of the movie. Nang marinig ang busina ng sasakyan ay napatakbo siya palabas ng bahay. Nariyan na si Blandon! Hindi pa man ito nakababa ay kinatok na niya ang bintana ng kotse. Natigilan siya nang bumukas ang pinto sa gawing kanan. Lumabas mula roon ang magandang babae, matangkad at sexy. Napalis ang ngiti niya. Who was this girl? She’s wearing a black shirt and skinny blue jeans. Straight ang itim nitong buhok na umabot hanggang baywang. Bumaba na rin si Blandon. “Napanood mo na ba ang movie, Agatha?” tanong nito. Umasim ang kaniyang mukha. “I want Tagalog movie like what I exactly watched from the television,” masungit niyang sabi habang humalukikip. She’s staring at the lady in front of her. “Ah, saka na iyang movie. May mas importante tayong gagawin,” ani ni Blandon. “And who is she, Blandon?” pagkuwan ay tanong niya. “She’s Ms. Yannah Toledo, your tutor, and also the executive secretary of Shaturi Group of Companies here in the Philippines,” pakilala nito sa babaeng kasama. Nilapitan naman siya ni Yannah. Todo ngiti ito kahit hindi niya nginingitian. “Hi, Ms. Agatha! It’s nice to meet you in person,” anito sabay alok ng kanang kamay sa kaniya. Tinitigan lang niya ang kamay nito saka iniwasan. Kay Blandon siya humarap. Naalala niya, halos lahat ng naging tutor niya na dinala ni Xander sa bahay nila sa Tokyo ay magaganda at sexy, but in the end, she found out that those girls are Xander’s girlfriend. Meron pa roon na nakita niyang hubad at nakapatong sa hita ni Xander. Iniisip niya na baka itong babae na ito ay girlfriend din ni Blandon, then they we’re do what Xander did. “Is she your girlfriend, Blandon?” walang gatol na tanong niya sa lalaki. “What?” Nagulat pa ito. “Of course not. She’s your tutor,” anito. “I hope you would not cheat as Xander does.” “Hey! Would you stop comparing me to Xander? I’m not like him, never.” She rolled her eyes. Pagkuwan ay nagpatiuna siyang pumasok sa bahay. Panghahawakan niya ang sinabi ni Blandon na hindi ito magiging katulad ni Xander na nagdadala ng babae sa bahay at doon nilalandi. She swear, palalayasin niya ito. Nakasalo pa nila sa tanghalian si Yannah. Mukhang mabait naman ito. Ito raw ang magtuturo sa kaniya ng mga basic lecture about business. Hindi pa man nagsisimula ang lesson ay naiinip na siya. Binagalan niya ang pagsubo upang maubos ang oras at hindi magtatagal ang tutorial niya. Naiwan siya sa dining room. Kahit sinabi ni Blandon na bilisan niya ay lalo niyang binagalan. Susunod na lang daw siya sa study room. Nang maisip na sina Blandon at Yannah lang ang nasa study room ay pinaspasan niya ang pagsubo. Pagkatapos ay tumakbo siya sa study room Napalakas ang pagbukas niya ng pinto at nagulat ang dalawang tao roon. Namataan niya ang mga ito na magkatabing nakatayo sa harap ng lamesa kung saan may pinapanood sa malaking tablet, iyon ata ang laptop. Halos magdikit ang mukha ng mga ito. “Shall we start, Ms. Agatha?” pagkuwan ay tanong ni Yannah. Lumayo ito kay Blandon. Hindi niya ito pinansin. Diretso ang tingin niya kay Blandon habang nginunguya pa ang huling subo niyang karne ng baka. Para itong goma, makunat. “Nag-toothbrush ka na ba, Agatha?” tanong ni Blandon. “Not yet,” tipid niyang sagot. “Mag-toothbrush ka muna baka marami pang tinga riyan sa ngipin mo. May nginunguya ka pa, oh.” “Samahan mo ‘ko,” aniya. “I’m busy. Magsisipilyo ka lang naman.” “Baka kasi may tuko ulit sa banyo ko.” “Wala na. Matagal na iyong naalis.” “Baka bumalik, eh. Sige na, please. Nanaginip kasi ako na bumalik ang tuko,” drama niya. “Samahan mo na, Blandon, para makapagsimula na kami,” udyok naman dito ni Yannah. No choice si Blandon kundi sinamahan siya. Pinauna niya ito sa paglalakad. Tamad na tamad pa ito sa paghakbang kaya itinutulak niya sa likod. “Habang tumatagal tila pabata nang pabata ang isip mo, ah, Agatha?” sabi nito. Kinurot niya ito sa kaliwang pisngi ng puwet nito habang paakyat sila ng hagdaan. “Aray!” daing nito, natigilan at marahas na humarap sa kaniya. Huminto rin siya at dinutdot ng hintuturo ang kaliwang dibdib nito. She touched his n*pple. Inulit pa niya. Hinuli nito ang kamay niya at banayad na pinisil. Pinaglakihan siya nito ng mga mata. “Please, behave. Stop acting like an idiot, Agatha. From now on, Yannah will teach you how to act decently. Huwag kang pasaway.” Hinila niya ang kaniyang kamay paiwas dito. Humalukipkip siya at nagtaas ng isang kilay. “I will follow her if you will stay beside me,” aniya. “Come on, I have a lot of works to finish. Hindi naman ako aalis kapag may tutorial ka, eh. Magkasama naman tayo sa study room.” “Okay, but don’t cheat.” “Anong cheat?” “Baka kasi magsi-s*x din kayo ni Yannah katulad ng ginawa ni Xander at ng tutor ko.” “Anak ng--” Napasabunot ng sariling buhok si Blandon. “Puwede bang alisin mo sa kukoti mo ang walang kuwentang ideyang iyan? Hindi ako si Xander, okay?” sabi nito. Namaywang siya. “Promise to me, you will never bring a woman here to f*ck.” “Tangnang utak iyan, Agatha! Puputi ang buhok ko sa iyo, eh.” “Promise na,” pilit niya. “Okay, promise.” itinaas pa nito ang kanang kamay. Malapad siyang ngumiti at sana’y yayakap dito ngunit iniharang nito ang kanang palad sa kaniya. “Okay na. Pumasok ka na sa kuwarto mo at magsipilyo,” sabi nito. “Samahan mo ako.” “Oo na nga.” Ito naman ang tumulak sa likod niya papasok sa kaniyang kuwarto. Pinapasok din niya ito sa banyo upang bantayan siya habang nagsisipilyo. Nakasandig lang ito sa gilid ng pintuan at humalukipkip. Seryoso siya nitong pinapanood. Pagkatapos magsipilyo ay sabay na silang bumalik sa study room. Naghihintay na si Yannah. Pinaupo siya ni Blandon sa sofa katabi ni Yannah. Nakapatong sa mesita ang laptop nito. Kakaiba itong magturo, hindi gumagamit ng papel at ballpen. Maya-maya naman ang sipat niya kay Blandon na nakaupo sa harap ng lamesa at may tinitingnan din sa laptop. Gusto rin niya ng laptop. Mas maganda ito kumpara sa tablet. Malaki ang screen at may pipinduting mga litra at numero. Hindi niya iniintindi ang sinasabi ni Yannah. Nakatitig siya sa mga nakasulat sa laptop na papalit-palit at mayroong mga robot na nagtuturo sa mga litra. It’s so cute. “Focus, Agatha! Intindihin mo ang sinasabi ni Ms. Yannah,” sita sa kaniya ni Blandon. Sinipat niya ito. Pinagmamasdan din pala siya nito. Ngumiti ito. His sweet smiles inspired her to listen and understand what Yannah said to her. A woman introduces to her the business that she is soon to manage. Nawindang siya nang mayroon pala silang eroplano. “Ang totoo, ang eroplanong sinakyan natin papunta rito ay pag-aari mo, Agatha. Marami iyon,” sabi ni Blandon. “Wow! Is that for real?” manghang gagad niya. “Yes, Ms. Agatha. Your father's investments did not found in Tokyo or some other Asian country. Those were had branches here in the Philippines. Since your guardian Xander permitted us to introduce to you the company, we will start teaching you how to be aware and familiar with the business,” ani ni Yannah. “But I don’t have an idea what to do for the company,” aniya. “That’s why I’m here to teach you, for you to have an idea before you go to normal school and enroll in the business-related course.” “But I want to be a doctor, the one who treats illness.” “You can be a doctor someday, but for now, you have to prioritize your businesses because you’re the only heir.” “What about Xander?” “Xander was just authorized personnel to manage your late father businesses. He would get his shares, but he doesn’t have the right to own the company that belonged to you. Your father had a last will testament that already submitted to the lawyer, and it’s unable to change unless you will die early.” “What do you mean I will die early?” usisa niya, iyon lang kasi ang naintindihan niya. “I mean, if you will die. Ang abogado ang magdedesisyon kung saan mapupunta ang ari-arian na maiiwan.” She was curious. “How can I die?” Natawa si Yannah. “Walang nakahuhula kung paano mamatay ang isang tao, Ms. Agatha. But you’re so young to think about that matter. And while you’re still alive, do anything you want.” Ngumiti siya. She likes the idea of doing anything as long as she lives. Yannah’s words motivate her to learn more.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD