Chapter 15

2283 Words
MARAMING bagong natutunan si Agatha mula kay Yannah. Kalaunan ay gumaan din ang loob niya rito. Tinuruan siya nito ng magagandang asal. She likes Yannah because she didn’t force her to memorize her lesson right away. Hindi rin siya nito kinukurot kung hindi niya masagot ang tanong nito. Lalo siyang naingganyong mag-aral dahil tinuturuan din siya ni Blandon. Kinagabihan pagbalik ni Blandon sa mansiyon ay tinuruan naman siyang gumamit ng laptop. Hinatid kasi nito si Yannah. Sabay naman silang naghapunan pagkatapos ay dumiretso sila sa study room. “Totoo ba na pupunta tayo sa opisina sa Monday, Blandon?” nagagalak na tanong niya sa lalaki. Katabi niya itong nakaupo sa sofa at kaharap ang laptop. Itinuro nito una kung paano bubuksan at papatayin ang laptop. Inilista pa niya ito sa papel para hindi niya makalimutan. “Yes, sa Monday ng umaga kaya dapat maaga kang magising,” tugon nito. Lalo siyang nasabik. “Friday ngayon. Tatlong tulog na lang!” aniya. “Pero bago tayo pupunta roon, dapat marami ka nang natutunan sa mga itinuro ni Ms. Yannah. Babalik siya bukas at maghapon ka niyang tuturuan.” “Okay. Basta huwag kang aalis, ah?” “Hindi ako aalis bukas.” “At saka puwede na ba akong gumamit ng cellphone?” hirit niya. “Not now, Agatha. Mas matuto ka dapat gumamit ng laptop dahil ito ang kailangan sa opisina. Dapat alam mo na rin ang pirma mo.” “Pirma? Ano ‘yon?” May kinuhang papel si Blandon at pinakita sa kaniya ang sinasabi nitong pirma. Nabasa niya sa ibaba ng magulong drawing ang pangalan ng kaniyang daddy. “Ito ang pirma ng daddy mo. Dapat may ganito ka rin.” “Huh?” Namimilog ang mga matang tumitig siya sa mukha ni Blandon. May isang dangkal lamang ang pagitan ng mga mukha nila. Nakatitig siya sa bibig nito na nagsasalita pero nakatingin sa papel ang binata. “Gagawa ka ng pirma na dapat ay hindi mo makalimutan. Importante ito. Kahit saang papeles ay kailangan ito. Sa ngayon, si Xander ang pumipirma sa lahat ng papales, in behalf of your name. Pero kapag ready ka na, ikaw na ang pipirma sa lahat ng papeles. Si Xander ay magiging CEO pa rin pero wala siyang karapatan na angkinin ang posisyon mo bilang prisedente at owner ng kompanya.” She just listened to him, but her eyes were on his handsome face. She realized that Blandon had an appearance that she thought was fascinating than Xander. Ang pula ng mga labi nito, mapipintog na tila ang lambot. Kumurap-kurap siya nang mapansing nakatitig na ito sa kaniya at hindi nagsasalita. She has tempted to touch his lips with hers and taste how sweet his mouth was. Nahalikan na niya si Xander sa lips, pero kakaiba ang ginawa ni Xander, parang gustong kainin ang bibig niya. Pero hindi na iyon naulit. Gusto niya ulit maranasan iyong kakaibang kiliti na nasagap niya mula sa mga labi ni Xander. Posible kaya na iba rin ang mararamdaman niya kung matitikman niya ang mga labi ni Blandon? She can’t help it. She moved her head closer to him and tried hard to reach his lips. But her mouth rubs on his warm palm. Itinulak pa nito ang ulo niya palayo rito. “Ano na naman ang iniisip mo, Agatha?” sita nito. Umiling-iling siya. “Hm, nothing. I just want to try if your lips taste sweet,” walang abog niyang sabi. “Kailan pa tumamis ang mga labi?” Inirapan niya ito. “Eh sabi ni Xander matamis daw ang kiss. He kissed me once, and I felt the sweet feelings. Parang may kiliti akong naramdaman then, biglang parang napaihi ako.” Tumawa siya. “Tumigil ka nga! Huwag kang matuwa sa halik ni Xander.” “Bakit naman? Ang sarap kaya.” “Mas masarap akong humalik doon.” “Talaga? Sige nga, halikan mo ako,” hamon niya. “Stop it, Agatha. Ang dumi ng isip mo. Mga walang kuwentang bagay ang natutunan mo kay Xander. Malibog ang isang iyon.” “Anong malibog?” “Basta, ganoon si Xander.” “Hm, ang killjoy mo, Blandon. Siguro hindi mo pa naranasan ang kiss.” Hindi na umimik si Blandon. Nagsawa na ito sa pagtuturo sa kaniya. Nagpaalam na ito na matutulog. Hindi pa naman siya inaantok kaya nanood muna siya ng movie sa laptop nito. Alam naman na niya itong patayin. Kaso karamihan sa movie na nasa laptop ni Blandon ay boring. May napanood siya na ang bida ay mga aso. But she loves dogs. Gusto niyang mag-alaga rin niyon. Kinabukasan ay kinulit ni Agatha si Blandon na bilhan siya ng aso. Pumayag naman ito na kasama siya na pupunta sa pet shop na malapit lamang sa mansiyon. Nasa loob pa lamang sila ng kotse ay pinakita nito sa kaniya ang papel na mabaho. Maliit itong parehaba na makulay. Iyon daw ang pera. May nakikita rin siyang ganoon sa movie pero hindi niya pinansin. Hinawakan niya ng dalawang kamay ang pera na may dilaw at bughaw. Tinitigan niya itong maigi. May mga numerong nakasulat sa bawat dulo. Sa gitna ay may mukha ng mga tao. May mga drawing din “Ito pala ang pera o money? Papel lang pala ito?” aniya. Nakaupo siya sa tabi ni Blandon na nagmamaneho. “Hindi iyan basta papel. Makapangyarihan ang bagay na iyan.” “Makapangyarihan? Bakit? May superpower gano’n?” Tumawa si Blandon. “I mean, maraming puwede paggamitan ng pera. Kailangan natin iyan para makabili ng aso.” “Really?” “Yap. Maraming ganiyan ang kailangan natin kasi mahal ang high breed na aso na gusto mo.” Ang gusto kasi niya ay yaong aso na malaki at mabalbon na brown ang balahibo katulad sa napanood niya sa movie. Ang galing kasi ng aso na iyon, bibo. Pagdating sa pet shop ay nagningning ang mga mata niya nang makita ang maraming tuta at pusa na nakakulong sa cage. Hindi tuloy siya makapili. Nilapitan niya ang brown na may halong itim ang balahibo. Maliit pa ito pero kumakahol na. “I want this puppy, Blandon,” aniya. “Ano’ng breed nito?” tanong ni Blandon sa lalaki na nagbabantay. “German Shepherd iyan, sir,” sagot ng lalaki. “Nako, matapang ito,” si Blandon. Nakatitig lang siya sa mga ito. “Natuturuan naman po iyan, sir. Nag-iisa na nga lang iyan kasi nabili na lahat ng nasa-K9 unit ng PNP. Two months old pa lang iyan at sadyang malaki lang.” “Gusto ko ito, Blandon. Bilhin mo na, please…” samo niya. “Magkano ba ito?” pagkuwan ay tanong ni Blandon sa lalaki. “Fifteen thousand na lang, sir. Gusto na rin kasi ng amo ko na may mag-alaga na riyan kasi nag-iisa na lang siya,” anang lalaki. “Sige, bibilhin ko na.” Nang maglabas ng pera si Blandon ay napalundag sa tuwa si Agatha. Gusto kaagad niyang kunin ang tuta kaso may proseso pa pala. Kailangan daw munang irehistro ang bagong pangalan niyon at pangalan ng bagong may-ari. Natagalan sila sa pag-iisip ng pangalan. Wala rin siyang maisip na babagay sa aso. “Ikaw na lang mag-isip, Blandon,” sabi niya. Napakamot ito ng ulo. “Wala rin akong maisip na walang katulad na pangalan, eh,” anito. “Kahit ano na lang basta kakaiba.” “Kuwan, Kilawin.” “Kilawin?” Napaisip pa siya. Nagtataka siya bakit biglang tumawa ang lalaking bantay ng shop. Tumawa rin si Blandon. But she found the name cute. “I love it! His name is Kilawin!” masaya pang sabi niya. “Seryoso po kayo, sir?” anang lalaking bantay. “Sige, okay na iyan, wala namang angal ang amo, eh,” ani ni Blandon. Finally! She got her new pet named Kilawin! Masaya siyang umuwi. Nakabili na kaagad sila ng dog food para kay Kilawin. Pagdating sa bahay ay kaagad niyang pinakain si Kilawin. Ang sabi ni Blandon, matatalino raw ang ganoong aso, madaling turuan. Tuturuan niya itong magluto katulad sa napanood niyang movie. Marunong nga ring maghugas ng plato ang aso sa movie. For sure matutunan din iyon ni Kilawin. Dapat ay kasama rin niya itong matulog at kahit manood ng telebisyon. Pero nagtataka siya bakit hindi nakatatayo si Kilawin gamit ang dalawang paa? Sa napanood niya ay nakatatayo at naglalakad. Naghahabulan sila ni Kilawin sa salas nang dumating si Blandon. Umalis ito dahil may kinuhang pera sa bangko. Basta iyon ang paalam nito. Nabunggo niya ito nang hindi niya napigil ang kaniyang bilis. Bumagsak sa sahig ang cellphone ni Blandon. “Tangna!” bulalas nito. “Nako! Sorry, Blandon!” Inunahan niya ito sa pagpulot ng cellphone na nabasag ang screen. May kung anong pumalo sa dibdib niya. Nang makitang nagsasalubong ang makakapal na kilay ni Blandon ay napaatras siya. He’s mad at her. Pero maya-maya rin ay kumalma ito at kinuha sa kamay niya ang cellphone. “Maghanda ka na, nariyan na si Ms. Yannah,” sabi lang nito saka siya iniwan. Pagtingin niya sa pintuan ay naroon na nga si Yannah. Sinundo rin pala ito ni Blandon. Binuhat niya si Kilawin at dinala sa study room. Sumunod naman si Yannah. Hindi siya mapakali. Alam niya galit si Blandon pero bakit hindi siya sinigawan?   HINDI maintindihan ni Baldwin bakit balewala lang sa kaniya na nasira ang cellphone na regalo pa sa kaniya ni Amanda. Dati naman ay ingat na ingat siya rito. Ayaw niya na nadudumihan ito kasi ganoon ito ka-espesyal sa kaniya. Ginagamit lang naman niya itong imbakan ng pictures at movies, kasama na ang malalaswang palabas. Tatlong taon na ito sa kaniya. Regalo ito ni Amanda noong girlfriend niya ito at hindi pa sila nagkalabuan. But her memories never fades in his mind. Naroon pa rin naman ang paghihinayang niya, kasi sa lahat ng naging fling niya ay kay Amanda siya sumeryoso at minsang napaniwala na may true love. But a woman chose her career over him. Hindi sila opisyal na naghiwalay, basta nawalan na lang sila ng komunikasyon simula noong nag-for good na ito sa New York. Minsan din ay hindi niya ito naiisip. Kung sa bagay, hindi naman buong buhay niya ay napaligaya ng pag-ibig. Love didn’t save him from the darkest side of his life, especially when he was mentally unstable. When he was broke, nobody fixed him, and he did it by himself. But he knew that he did not heal and was still incomplete. There’s a broken piece of him that he could fix alone. Hindi na niya hinabol ang mga naka-save na litrato nila ni Amanda sa nasirang cellphone. Basag ang LCD nito at wala na siyang panahong ipaayos ito. Kinuha lang niya ang sim card at itinapon ang cellphone. Pagod na pagod siya sa araw na iyon kahit wala naman siya masyadong ginawa. Gusto niyang mag-unwind pero hindi siya basta makaalis ng mansiyon. Habang abala sa tutorial nito si Agatha ay niyaya niya si Lowel na pagsaluhan nila ang pinadala ni Blandon na brandy. Nagpahanda siya kay Manang Helen ng kilawing dilis para pulutan nila. Speaking of kilawin, buntot nang buntot sa kaniya ang tutang si Kilawin habang naghahakot siya ng kobyertos na gagamitin nila ni Lowel. Tumambay sila sa cottage sa gilid ng swimming pool. Nakabuntot pa rin si Kilawin. Ito na lang kaya ang lutuin niya. Sayang, mahal pa ito sa alak nila. Alas-tres natapos ang tutorial ni Agatha. Si Lowel na lamang ang pinahatid niya kay Ms. Yannah sa labasan. Tinamad siyang magmaneho lalo na’t nakainom na siya ng dalawang shot na brandy. Light lang naman ito kaya matagal siyang malalasing. Nagsasalin siya ng alak sa kaniyag baso nang may kung anong nalaglag sa swimming pool. Pagtingin niya ay may lumalangoy na. Nagkandahaba ang leeg niya sa kakasilip kung sino ang lumalangoy. Mamaya ay umahon si Agatha na tanging itim na bikini bottom ang suot. Kamuntik na siyang masamid ng laway nang mapansin na ang liit ng nakatakip sa dibdib nito, halos u***g lang ang natatakpan. He’s trying to ignore her, but a woman is walking towards him. Her boobs bounced sexily. Pakiradam niya’y nagtigasan lahat ng muscles niya sa katawan… including his manhood. No, he will never feel lust towards Agatha. She’s a naive woman, not a material girl. “Maligo ka lang, Agatha,” sabi niya habang hindi pa ito nakalalapit nang tuluyan sa kaniya. Lumapit pa rin ito at nakiusyoso. “What is this?” tanong nito. Akala niya ay aamuyin lang nito ang kilawing dilis pero pumulot ito. Tinikman nito ang kilawin at hindi niya nasaway nang makakain ito ng sili. Naglulundag ito habang sumisigaw at pinapaypayan ng kamay ang bibig. Nataranta rin siya. Sinubuan niya ito ng ice cube pero hindi umobra. Ayaw sana niya itong lapitan pero umiiyak na ito. Mabuti sumugod doon si Mamang Helen. Inutusan niya itong kumuha ng asukal. “My mouth is burning, Blandon!” umiiyak nitong sabi. “Yeah, curiosity kills the cat. Pakialamera ka kasi,” sabi pa niya. Lumapit pa ito sa kaniya at pilit siyang hinahawakan. Siya naman ay lumalayo. Kung didikit siya rito ay baka matukso siya lalo. Kumakaway ang dibdib nito. Nang dumating si Manang Helen ay pinakain nito ng asukal si Agatha. “Huwag ka na kasing makitikim ng kilawin,” ani ni Mamang Helen. “Kilawin? Nasaan si Kilawin?” Natataratang tanong ni Agatha nang mahimasmasan sa anghang. Hinanap nito si Kilawin. “Ay, ewan. Maligo ka na nga. Hayaan mo ang mga lalaki na maglasing. Naroon sa loob ng bahay si Kilawin.” Sumunod naman ito sa ginang at bumalik sa swimming pool. Nakahinga nang maluwag si Baldwin. Malayo na ang tukso kaya tuloy ang inuman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD