WALANG kuwentang kainuman si Lowel. Hindi pa nangalahati ang bote ng brandy ay bumagsak na ito. Pinagtiyagaan ni Baldwin na kalahatiin ang alak dahil ang tagal niyang malasing. Nang umiikot na ang paningin niya ay tumayo na siya at iniwan si Lowel na nakahigana sa bench.
Pasuray-suray siyang naglakad. Kamuntik pa siyang mahulog sa swimming pool, mabuti naimaniobra niya ang kaniyang katawan. Medyo madilim na sa garahe papasok sa main door ng mansiyon. Mukhang tulog na ang mga tao. Madilim na sa loob ng bahay pero may liwanag siyang nababanaag mula sa direksiyon ng study room.
Nangangapang naglakad siya patungo rito. Itinulak niya ang glass door. Nahilo siya lalo nang tamaan ng ilaw ang mukha niya mula sa chandelier. He saw a woman sitting in front of the office table while facing the laptop.
“s**t!” Napamura siya nang mahinuha na si Agatha ito. Pinakialaman nito ang laptop niya.
“Hi, Blandon! Are you drunk?” tanong nito.
Malinaw pa ang pandinig niya at diwa. Sadyang nahihilo lamang siya. He tiptoed slowly towards her, but his knees dropped on the floor. Bago siya makahuma ay may humawak na sa kanang braso niya at inakay siya patayo.
Si Agatha ito. Hinatak siya nito patungo sa sofa ngunit nabuwal silang dalawa. Dumagan siya rito habang nakalapat ang kaniyang kanang palad sa kaliwang dibdib nito.
“s**t! Ang lambot!” he uttered.
“Uh… ang bigat mo, Blandon,” angal ng dalaga.
He can’t raise himself up, lalo siyang nahihilo. Nang igalaw niya ang kaniyang kamay sa dibdib ni Agatha ay saka niya naramdaman na wala itong bra. Her n*pple instantly stiffen. The fierce heat rose from his innermost and started to arouse his manliness.
“Blandon…” She moans his name.
Her voice sounds seductive. Saka niya namalayan na gumalaw pa ang kaniyang kamay. He cupped her breast and gently knead it.
“F*ck!” he cursed as he felt his swollen shaft.
Ayaw niya ang gusto ng kaniyang katawan pero nagi-guilty siya nang mapansing naliliyo si Agatha dahil sa ginagawa ng kamay niya sa dibdib nito. Her eyes were begging him, allowing him to touch her more.
Nagulat siya nang hinawakan pa ni Agatha ang kamay niya at pinapasok sa blusa nito. Impit siyang napamura nang mahawakan niya nang tuluyan ang malusog nitong dibdib. No, hindi pa rin siya magpapatalo sa tawag ng kamunduhan. But a woman was in need. Binuhay niya ang init sa katawan nito kaya hindi puwedeng iwan niya ito sa ere.
“Tangna!” Napamura na naman siya.
Tatrabahuhin niya ito pero hindi niya aangkinin nang tuluyan. He can survive without penetrating her entrance. Umuungol na ito. Wala nang atrasan. Mag-iisip na lang siya ng alibi para hindi nito mabigyan ng malalim na kahulugan ang magaganap. Pero ang hininga ni Agatha ay amoy ubas. Uminom ata ito ng wine.
“Blandon…” nagsusumamong sambit nito.
Tuluyan na niyang pinalaya ang dibdib nito at sinimulang pasadahan ng kaniyang panlasa. While licking alternately on her breast, his left hand was exploring inside Agatha’s short pants, and he cursed as he felt her wet behind. Natutukso siya, nababaliw pero ayaw niyang umabuso.
Isinubsob lamang niya ang kaniyang mukha sa dibdib nito at halinhinang nilalasap ang dunggot nito. Walang puknat itong humalinghing habang sumasabunot ang kamay sa kaniyang buhok. Gumalaw ang mga paa nito at lumingkis sa kaniyang baywang. Lalong nagmatigas ang kaniyang sandata.
Nang makontento siya sa dibdib nito ay dumausdos siya sa puson nito. Hinatak lang niya pababa ang short pants nito kasama ang undies. He need to hurry, baka bumigay na rin siya. He felt relief when he noticed that Agatha was still innocent. Hindi nga ito nagalaw ni Xander.
Wala rin naman siyang balak wasakin ang inosente nitong pagk*babae. He just licked her, sucked her, and inserted his middle finger to make her come. Binilisan niya dahil ang sakit na ng kaniyang puson. Maya-maya ay naglabas na ng init ang dalaga. Bago bumalik ang wisyo nito ay lumayas na siya matapos ayusin ang kasuutan nito. Nagtungo siya sa kaniyang kuwarto at doon tintrabaho ang kaniyang sandata hanggang sa makaraos siya.
Bumagsak siya sa kama pagkatapos at kaagad ginupo ng antok.
NAKAIDLIP si Agatha. Nalilito siya. Totoo ba ang nangyari sa kanila ni Blandon? Pero nasaan ito? Maayos naman ang damit niya. Pero ramdam niya na may munting kirot sa pagitan ng kaniyang mga hita. O baka siya rin ang may gawa niyon? Ang alam niya’y nanonood siya ng movie sa laptop ni Blandon at nakita niya itong pumasok.
Or maybe she was just affected by the scene in the movie. There was a couple having s*x after the party. Hindi na niya alam kung alin ang totoo. Pakiramdam niya ay nalasing siya kasi uminom siya ng wine at nagnakaw siya ng konting alak sa iniinom nina Ate Susan at Ate Antonia.
Kaya siguro pakiramdam niya ay mainit ang kaniyang katawan at tila nakalutang. Ganoon ang pakiramdam niya noong tumikim din siya ng alak na iniinom ni Xander. Bumangon na lamang siya at binalikan ang laptop. Tapos na ang movie na pinapanood niya. In-off na lamang niya ang laptop saka nagtungo sa kaniyang silid.
Hindi naman siya makatulog. Ayaw maalis sa kaniyang diwa ang kakaibang sensasyong naramdaman niya. It felt that the pleasure invaded in her was real. Pero imposible naman na gagawin iyon sa kaniyan ni Blandon. Baka nga imagination lang niya iyon dahil sobrang nadala siya sa movie. Iba ‘yong pakiramdam ng scene sa movie kumpara sa napanood niya sa cellphone ni Lowel, o sa tablet ni Xander. Hindi iyon nakauumay.
Ilang oras lang ang naitulog ni Agatha. Nagising siya dahil sa magkasunod na katok sa pinto. Malamang ay si Yaya Helen na naman ito. Mag-aalmusal na siya. Lulugu-lugong bumangon siya at lumapit sa pintuan. Pinagbuksan niya ang kumakatok.
“Mag-almusal ka na. May niluto akong sopas pero walang gatas,” masiglang bungad ni Yaya Helen.
“Sige po, susunod na ako,” walang buhay niyang sabi.
Nang umalis si Yaya Helen ay isinara niya ulit ang pinto. Pumasok siya sa banyo at naghubad. Saka lamang niya napansin na wala siyang suot na bra. Naalala niya, wala pala siyang nakitang bra sa closet niya kaya wala siyang suot. Hindi pa ata nalabhan lahat ni Ate Susan.
Mabilis lang siyang naligo. Wala pa rin siyang bra kaya nagsuot lamang siya ng jacket. Pagdating sa lobby ay sinalubong siya ni Kilawin. Dinila-dilaan nito ang binti niya na may iilang butil ng tubig. Binuhat niya ito at niyakap. Ang bango nito.
“Let’s have breakfast, Kilawin,” aniya.
Dinala niya ito sa dining room. Maraming pagkaing nakahain sa lamesa pero wala siyang kasabay kumain. Tapos na raw kumain si Yaya Helen. Wala pa si Blandon.
“Where’s Blandon, Yaya?” tanong niya sa ginang na inaasikaso ang pagkain niya.
“Nako, tulog pa. Hindi ko pa siya nakitang lumabas. May hangover ata.”
“Hangover?”
“Oo, hindi ba uminom sila ng alak kagabi ni Lowel.”
“Eh saan siya natulog?”
“Sa kuwarto niya siguro. Wala naman siya sa labas. Si Lowel lang ang nakita ko na nakatulog sa kubo. Nilagyan ko na lang ng kumot at unan ang isang iyon.”
Pinaupo rin niya sa katabi niyang silya si Kilawin. Susubuan sana niya ito ng sabaw gamit ang kaniyang kutsara ngunit napigil siya ni Yaya Helen.
“Ano ka ba? Gamitin mo ang plato ni Kilawin at huwag iyang kutsara mo,” anito.
“Why? He’s clean naman, eh.”
“Kahit na.”
Kinuha ni Yaya Helen ang bowl na maliit na nilalagyan ng pagkain ni Kilawin. Nilagyan niya ng sopas ang bowl at ibinigay kay Kilawin. Dinila-dilaan nito ang sabaw. Tuwang-tuwa siya at gigil sa cute na tuta. Kumain na rin siya.
“Paglaki ni Kilawin ay tuturuan ko siyang magluto at maghugas ng plato,” sabi niya.
Nakaupo sa harapan niya si Yaya Helen. “Nako! Ikaw nga hindi marunong magluto at maghugas ng plato, tuturuan mo pa si Kilawin?” sabi nito.
Ngumuso siya. “Then I will learn how to cook first. Teach me, Yaya,” aniya.
“Matuto ka munang maghugas ng plato.”
“Okay. I’ll do it later,” confident niyang sabi.
“O siya, kumain ka muna. Mamaya ay tuturuan kitang magluto.”
“Yehey!”
Binilisan niya ang pagsubo dahil gusto na niyang matutong maghugas ng plato at magluto. She wants to know everything that she didn’t do before. She wants to prove to Xander that there’s room for her to improve. Patutunayan niya na hindi siya inotel katulad ng palaging sinasabi sa kaniya ni Xander. Inotel means wala raw silbi. Masama ang loob niya sa tuwing naririnig iyon.
Pagkatapos niyang kumain ay itinuro ni Yaya Helen kung paano hugasan ang ginamit niyang plato at ibang kagamitan sa kusina. Pinatakan nito ng berdeng liquid soap and foam.
“Ang tawag dito ay dishwashing liquid. At itong foam ay sponge. Bago mo sabunin ang mga plato, alisin mo muna ang mga tirang kanin. Pagkatapos ay saka mo kuskusin ng may sabong sponge,” turo nito.
Ginaya niya ang ginawa nito. Slow motion siyang gumalaw sa takot na mabitawan niya ang babasaging plato. May kabigatan pa naman ito. Later on, she enjoyed what she was doing. Iniwan na siya ni Yaya Helen sa harap ng sink.
“Oh, Sir Blandon, mag-almusal ka na,” sabi ni Yaya Helen.
Napalingon si Agatha sa pintuan kung saan ay namataan niya si Blandon na tanging itim na short pants ang suot. His masculine chest caught her attention. Magulo ang buhok nito at namumungay pa ang mga mata.
“Good morning, Blandon!” masigla niyang bati sa kabila ng pag-alala sa senaryong hindi pa rin niya matukoy kung totoo o imagination lang niya.
Matabang itong ngumiti. Pagkuwan ay pumasok ito at naghalungkat ng kung ano sa ref.
“Naroon ang pagkain sa dining room. Punta ka na lang doon. Mainit pa naman ang mga pagkain, at saka may sopas akong niluto pantanggal hangover,” ani ni Yaya Helen.
Kumuha lang ng malamig na tubig si Blandon. Sa kakasunod niya ng tingin dito ay nadulas sa kamay niya ang sinasabon niyang baso.
“Ay!” tili niya at napasunod ng tingin sa bumagsak na baso. Nabasag ito at nagkalat ang bubog.
Mabilis namang nakalapit sa kaniya si Blandon at hinatak siya palayo sa bubog. Ang una niyang napansin ay ang pagtulay ng init mula sa kamay nito’ng hawak ang kaniyang kanang braso patungo sa kaniyang laman. Her heart skipped a beat, and she didn’t understand why it was instantly racing.
Nabitawan din naman siya kaagad ni Blandon. “Huwag kasi tingin nang tingin kung saan kung naghuhugas ng babasaging bagay. Take care, hm?” sabi nito saka tuluyang umalis.
Nagwawalis na ng bubog si Yaya Helen kaya nakatayo lang siya at hinintay itong matapos.
“Baka maubos ang baso at plato natin bago ka maging expert sa paghuhugas ng mga ito, Agatha. Pero sige lang, marami ka namang pera pambili ng kobyertos,” palatak ng ginang.
Hindi niya ito pinansin. Hindi pa rin kasi siya maka-get over sa kakaibang naramdaman niya nang hawak ni Blandon ang braso niya. Palagi naman siya nitong nahahawakan, minsan yumayakap pa siya rito. Ano ba ang nangyayari sa kaniya?