NAALIW sa pagsasanay magluto si Agatha. Ang ayaw lang niyang gawin ay pagpiprito ng isda. Okay lang ang itlog kasi hindi masyadong tumatalsik. She found cooking more interesting than watching a movies. Dati ay ayaw niya ng amoy ng halo-halong niluluto, pero biglang nagustuhan niya tumambay sa kusina. Kakaiba ang pagkain ng pinoy, masasarap din.
Ang unang itunuro sa kaniya ni Yaya Helen ay ang adobong manok. Mabilis niyang natutunan ang paghiwa ng bawang at sibuyas kahit napapaluha siya kasi mainit sa mata ang sibuyas. She wants to learn more, so whole day cooking lesson has made her hook with it.
“Why woman must know how to cook, Yaya?” tanong niya sa ginang nang sabihin nito na mas maganda kung marunong magluto ang babae.
Kumakain na sila ng niluto nilang pancake. Gumawa rin sila ng mango shakes. Kasama nila si Blandon na kumakain sa dining room. Nakaupo ito sa tapat niya pero tahimik lang. Ang seryoso nito.
“Kasi ang babae ang gumagawa sa gawaing bahay lalo kung may asawa na at mga anak,” tugon ni Yaya Helen.
“Asawa at anak?”
“Oo, katulad ko. Simula noong nag-asawa ako ay ako ang nag-aasikaso sa asawa ko at mga anak. Kaso namatay na ang asawa ko kaya mag-isa akong bumubuhay sa dalawa kong anak.”
“Ang asawa po ba ay lalaki lang?” curious niyang tanong.
“Sa Tagalog kasi ay asawa rin ang tawag sa babae. In English, husband ang lalaki, wife naman ang babae.”
“You mean, hindi puwede na parehong lalaki o parehong babae ang mag-asawa?” nalilitong usisa niya.
Natawa si Yaya Helen. Hindi nga siguro puwede.
“Hindi, pero mayroong nagsasama na parehong lalaki at babae. Ang kaso, hindi sila magkakaanak.”
“Hindi ba sa babae at lalaki nagmumula ang anak? Napanood ko sa movie iyon. After nila nag-s*x ay nagkaanak pero ang bilis. Gaano ba katagal dapat?”
“Kuwan, sa tao kasi usually nine moths bago manganak ang babae.”
“Pero I mean iyong magkakaroon ng anak. Mabubuntis ba kaagad after nila mag-s*x?”
“Hm, depende. Ano ba ang alam mo?”
“Eh kasi sabi ni Xander kung mag-s*x daw kami ay puwede akong mabuntis.”
“Hay! Mahabagin!” bulalas ni Yaya Helen.
Mariing kumunot ang noo niya. Tama naman siya, eh. Xander didn’t try to put his manhood inside her because he said he didn’t want to make her pregnant. What is wrong, then?
“Mag-aral ka muna kung paano maglaba bago ang pag-aasawa, Agatha,” sabad naman ni Blandon.
Nabaling dito ang tingin niya. “Maglaba ng ano?” tanong pa niya.
“Ng underwear mo. Matanda ka na pero ibang tao pa ang naglalaba ng undies mo. Hindi ka nga nagsusuot ng bra, pag-aasawa na ang gusto mong malaman.”
Namilog ang mga mata niya. Nakapa rin niya ang kaniyang dibdib. Wala pa rin pala siyang undies. Halata ba?
“Ay, oo nga pala! Nakalimutan kong ihatid ang mga nalabhan mong damit kagabi sa kuwarto mo. Naubos na pala ang bra mo?” ani ni Yaya Helen.
“Manang Helen, huwag po inyong bini-baby si Agatha. Hayaan n’yo siyang matuto para mabilis mag-mature ang isip niya. Iyon ang payo ng kilala kong doktor,” sabi ni Blandon.
“Oo nga, sir. Nasanay kasi ako na parag bata lang ang alaga ko. Pero kahit papano ay malaki ang improvement niya simula narito siya sa Pilipinas.”
Hindi na nagsalita si Agatha. Pakiramdam niya ay ang kitid talaga ng utak niya. Tama ata si Blandon na para siyang bata na nagsisimuala pa lamang natuto sa mga bagay-bagay. Eh sa ganoon siya. Sino ba ang dapat niyang sisihin? Well, she had fault, too. She ignore all her modules. Mas inatupag niya ang panonood ng movies na paulit-ulit kaysa mag-aral.
May mga natutunan din naman siya, yaong madaling gawin. Ayaw niya ng maraming numero at litra na nakikita sa module, kaya kung anu-ano lang ang isinasagot niya. Ang susungit pa ng tutor niya kaya wala siyang ganang makinig.
Pagkatapos magmeryenda ay pinapunta siya ni Blandon sa study room. Magre-review raw siya ng module na ginawa ni Yannah. Hindi naman mahirap ang ibang lesson. May mga drawing siyang nakikita na may mga pangalan. Mayroong parts ng opisina at kung ano ang tawag doon.
Nakaupo siya sa sofa habang si Blandon ay nasa harapan ng lamesa at may ginagaw sa laptop nito. Hindi siya makaalis sa ikatlong pahina ng module. Hindi niya masagot ang mga tanong doon. She need help.
“Excuse me, Blandon,” tawag niya sa atensiyon ng lalaki.
“Hm?” anito pero hindi siya tinitingnan.
“Ano ang paperwork?” tanong niya.
“Paperwork ang tawag sa mga trabaho sa opisina na may kinalaman sa papeles.”
“Papeles? Iyon ba ang pinipirmahan na sabi mo?”
“Yap. Maliban doon, may iba pa na kailangang ayusin at basahin.”
Napangiwi siya. Ayaw niya ng ganoong gawain, na magbabasa ng maraming papel na maraming litra.
“Do I need to work for paperwork?”
“Soon, if ready ka na to manage the company.”
“Me alone?”
“Hindi naman. May mga assistant ka, secretary na tutulong para mapatakbo ang kompanya.”
“Mapatakbo? You mean lumilipat ng lugar ang kompanya?”
Biglang natawa si Blandon. “I mean, to manage the company from the operation and anything the company needs to reach the goal and earn money.”
“Ah, the company producing money?” she excitedly said.
“Yes, pero hindi ibig sabihin na gumagawa ng pera ang kompanya. Kailangan itong pamahalaan mabuti para kumita ng pera. Marami ring pinaglalaanan ang pera like manpower and other expenses.”
Narinig na niya ang sinabi nito kay Yannah. Pero marami pa nga siyang dapat matutunan. Hindi pa siya nakagawa ng pirma. Inaral niya ang pirma ng daddy niya kaso magulo at hindi niya masundan.
“Paano ang pirma? Kailangan ko na ba gumawa?” aniya.
“Magsanay ka na. Dapat pareho lang kahit ulit-ulitin mo. Kahit simple lang na madali mong makasanayan. Practice ka sa papel hanggang sa masanay ang kamay mo.”
“Turuan mo ako, Blandon.”
“Sige, halika rito.”
Tumayo naman siya at lumapit dito. Tumayo siya sa gawing kaliwa nito. Naglabas ito ng blankong papel at itim na ballen. Gumuhit ito roon ng pirma nito.
“This is my signature or pirma. I have the initial of my name at first, then the initial of my sure name,” sabi nito.
“Can I use my initial, too?”
“Yes, you can. Try to draw a shape or scratch. Make art with your initial.”
Kahit papano ay alam niyang sulatin ang buo niyang pangalan na hindi nagkakamali. Naituro iyon sa kaniya ng kaniyang tutor sa Tokyo. Initial lang ng pangalan niya at apelyido ang isinulat niya, pagkatapos ay ginuhitan niya ng magulong linya, may paikot katulad sa pirma ni Blandon.
“Okay na ba sa iyo iyan?” tanong nito.
“Hm, looks dirty,” amuse niyang sabi.
“Try more,” udyok nito.
Tumayo pa ito at tinuruan siya kung paano ang wastong stroke ng kamay sa pagpirma. As she held her hand, the familiar heat started to build inside her flesh. Her heart skipped a beat again. It’s odd. Mas gusto pa niyang titigan ang guwapong mukha ni Blandon kaysa ang ginagawa nila sa papel.
Hindi siya nakahuma nang mapatitig din ito sa kaniya. Ngumiti siya pero hindi iyon nakaapekto sa lalaki. Para ma-distract ito ay tumingkayad siya at inilapad ang kaniyang bibig sa mga labi nito pero saglit lang. Kahit saglit ay uminit ang sistema niya nang madama ang lambot ng mga labi nito
“Your lips felt so soft. Hindi ba kahit sino naman ay puwede mag-kiss?” aniya.
Binitawan nito ang kamay niya. Hindi man lang ito ngumiti. “Don’t do that again,” masungit nitong sabi.
“Bakit naman? Kiss lang, eh.”
“Maraming kahulugan ang halik, Agatha. At hindi lahat ng tao ay puwede mong halikan.”
“Eh bakit si Xander may kini-kiss na iba-ibang babae? Nag-kiss nga rin kami.”
“Sinabi ko na huwag mong intindihin ang mga natutunan mo kay Xander! Hindi lahat na iyon ay tama!” Nagtaas ito ng boses.
She took a deep breath and put her hands on her waist. She faced him. “Ang arte mo. Kahit nga si Kilawin kini-kiss ko sa mouth. Nag-brush naman siya,” sabi niya.
“Tangina!”
Ang alam niya ay bad word ang sinabi nito. Narinig din niya iyon sa ibang alalay ni Xander na pinoy. Naiinis siya nang pahiran ng kamay ni Blandon ang bibig nito. Sinuntok niya ito sa dibdib saka siya bumalik sa sofa.
“Kaninang umaga ko naman nahalikan si Kilawin, eh. Nag-toothbrush na kaya ako,” angal niya.
“Kahit na. Huwag kang hahalik sa aso kahit pa malinis iyon. Hindi mo alam baka kung ano na ang nakain niyon sa labas.”
“Okay. Hindi na kita iki-kiss kahit kailan. Hindi na ako yayakap sa iyo kahit kailan. Also, I hate you!”
“Stop acting like a kid, Agatha, ang pangit tingnan. Ang laki mong babae, maganda, sexy, pero--”
Sinipat niya ito nang bigla itong tumigil sa pagsasalita. At least he appreciate her physical appearance. Nasasaktan din naman siya kapag nasasabihan na parang bata. She never encountered kids since he woke up from the hospital, only in the movie. The way kids act, she could imagine herself acting like them. Pero mas marami na siyang alam kumpara noon. Dati ay umiiyak pa siya sa tuwing dinudugo ang kaniyang kaselanan.
Naipaliwanag naman sa kaniya ni Xander bakit siya dinudugo buwan-buwan. Marami raw siyang nakalimutan matapos ang aksidente at nagka-amnesia. Then her mental disorder was difficult to treat according to Xander. Wala naman siyang ibang pinaniniwalaan noon kundi si Xander. Maybe Blandon was right. She has to think without depending on what Xander said to her.
“So, Xander was not a good mentor, am I right?” aniya.
“Kung pagbabasehan ang mga natutunan mo sa kaniya, yes, he’s not a good mentor. Hindi ka niya natulungan para maging mature, sa halip, pinagmumukha ka niyang tanga.”
“But he said it’s because of my untreated mental disorder,” giit niya.
“What kind of mental disorder, then? Maraming uri ng sakit sa pag-iisip, Agatha.”
Nag-isang linya ang maninipis niyang kilay. Hindi na niya maintindihan kung ano ang tinutukoy ni Blandon. Humakbang ito palapit sa kaniya at umupo sa katapat niyang couch. Matamang tumitig naman siya rito.
“Listen to me, Agatha,” sabi nito.
Tumango siya rito at nakinig.
“You’re not sick. I had read your diary before, which is you wrote a scene in the hospital where you woke up after the coma. You know what was happening in your surrounding. Your mind is stuck in the stupid idea that Xander planted in your mind. Mali iyon.”
Naalala niya ang kaniyang diary na minsan na lamang niya nasusulatan. May mga naaalala siya pero sa tuwing natuturukan siya ng doktor ng kung anong gamot ay biglang bumabalik sa blanko ang kaniyang utak. She doesn’t know how to act normally because something in her emotions sometimes triggers her to get mad without reason.
Mabilis siyang mairita, magalit at mainip. Pero madali rin siyang masaktan kapag pinapagalitan siya o sinisigawan. Iniisip niya na pagkatapos ng sigaw ay lalatiguhin siya, katulad na lamang ng ginawa sa kaniya ni Xander. Kaya kapag nakasigaw na si Xander ay umiiwas na siya.
“You mean Xander lied to me?” aniya.
“Iyan ang dapat nating patunayan. Pinag-aaralan ko ang sitwasyon mo at si Xander. Don’t trust him anymore. Stop depending on him, Agatha. It’s time for you to raise yourself and restore what you had lost.”
“I don’t get it.”
“Just be nice to me; I will help you to recover.”
“You do?” Namilog ang mga mata niya.
“Yes, but please don’t tell Xander about it if he wants to talk to you, okay?”
“O-okay.” Tumango pa siya.
“Good.” Tumayo na si Blandon at bumalik sa lamesa.
Itinuon naman niya ang kaniyang atensiyon sa module. Mamaya ay naisip na naman niya ang senaryo na nagpapalito sa kaniya, ang nangyari roon sa study room. Hindi pa rin siya makapag-desisyon kung totoo ba iyon. Maybe Blandon would enlighten her if those scenes have happened to them.
“Ahm, Blandon?” awat niya rito.
Nakaupo na ulit ito sa harap ng laptop.
“Yes?” sagot nito pero hindi nakatingin sa kaniya.
“Pumasok ka ba rito kagabi?”
Napasulyap ito sa kaniya. She noticed the quick changes in his facial expression. He became uneasy.
“Uh… n-no. Dumaan lang ako at sumilip,” tugon nito.
“As in sumilip ka lang at hindi pumasok?” kompirma niya.
Umiling ito. “H-hindi. Kasi lasing na ako kaya dumiretso ako sa kuwarto at natulog.”
Nakuntento siya sa sagot nito. At least it makes sense now. Imagination nga lang siguro niya ang nangyari.
“Okay.” Ibinalik niya ang kaniyang atensiyon sa module.