PINAGPAPAWISAN ng malamig si Baldwin. Todo deny na nga siya sa kaniyang sarili na may ginawa siyang kabalbalan kay Agatha pero pinaalala pa nito. Pasalamat pa rin siya sa slow nitong utak at inakala ata na nanaginip lang ito at hindi totoong nilapa niya ito.
He felt guilt later on. He didn’t mean to take advantage of her innocence, but damn! Sino ba siya para hindi matukso? May karupukan siya sa babae, lalo sa katulad ni Agatha na mala-diyosa ang ganda at ka-sexy-han. Mabuti nakapagtimpi pa siya at hindi niya ito inangkin nang tuluyan. Siguro kung naubos niya ang brandy, baka nadale niya si Agatha. Pero parang bangungot na dinala niya sa panaginip ang sarap ng katawan nito.
Ayaw niyang lumalim ang pagnanasa iya rito, kaya hanggat maari ay ayaw niya na lumalapit ito sa kaniya lalo kung silang dalawa lang ang magkasama. Pero tila lalong rumurupok ang depensa niya.
Busy na si Agatha sa module nito. Kahit papano ay nagkukusa na itong tumuklas ng mga bagay-bagay ay naingganyong matutunan kaagad. Hindi lang talaga ito natutukan maigi noong nasa-Tokyo ito kaya limited lang ang alam. Mabilis naman itong matuto. Ang kakulitan at katigasan ng ulo lang nito ang mahirap baguhin.
Nai-connect niya sa kaniyang laptop ang wifi saka nag-download ng mga tutorial videos. Ang mga iyon ang dapat na pinapanood ni Agatha hindi yaong mga movie na malalaswa. Kaya siguro nagiging sexually liberated ito dahil hinayaan ni Xander na ma-expose ito sa mga palabas na may kinalaman sa seksuwal.
He gritted his teeth as he remembered how Xander treated Agatha before. Agatha has been sexually abused without her knowledge. Maybe, Xander took advantage of her innocence and seduced her. Pero hindi niya maintindihan bakit hindi naman nasira ni Xander ang kainosentihan ni Agatha. O baka katulad din niya ito na nagtitimpi lang.
Mabilis mapalapit sa mga taong nagpapakita ng malasakit si Agatha, even it was fake. Pero sa lalaki, medyo marupok din ito. Hindi talaga sila maaring magsama dahil baka pareho silang matukso. Wala siyang balak ma-involve sa kalaliman ng buhay nito baka hindi na siya makalaya. Gusto lang niya itong tulungan.
Nang muli niyang sipatin ang dalaga ay nakapikit na ito habang nakasubsob ang ulo sa mesita. Ginawa nitong unan ang makapal na module. Napuyat din ito malamang.
Tumayo siya at nilapitan ang dalaga. Maingat niya itong binuhat at inihiga nang maayos sa sofa. Alanganing oras ang tulog nito. Napagod ata kakaluto. Natikman niya ang niluto nitong adobong manok. Hindi perpekto pero na-appreciate niya ang effort. Hindi na masama para sa baguhan.
Napatingin siya sa module nito. Sa bawat espasyo ng papel ay may nagkalat na pirma nito. Napangiti siya. She made it. Halos magkakamukha ang pirma nito. Mas maganda iyon at mahirap gayahin kumpara sa naunang ginawa nito. Binuklat niya ang ikatlong pahina na may mga sulat-kamay. Mariing kumunot ang noo niya habang binabasa ang nakasulat.
“Si Blandon ay supot” iyon ang nakasulat.
“Gago ‘to, ah,” naibulalas niya. Nagtatagis ang bagang na tinitigan niya ang tulog na babae. Saan naman nito natutunan ang salitang ‘supot’? na hindi naman marahil nito natutunan sa dictionary o sa librong nababasa nito.
Naalala niya nang kumakain sila nang tanghalian. Sumilip si Agatha sa manoy ni Kalawin. Nagtataka ito bakit daw hindi halata. Ang sabi ni Ate Susan, supot si Kilawin. Supot ang tawag sa lalaking hindi pa tuli.
“Paano kung hindi tuli?” tanong pa nito kay Ate Susan.
“Sa amin kasi, kung supot, hindi raw pumapatol sa babae kahit kiss. Echos lang iyon, ah,” ani ni Ate susan.
Napasintido siya. Pagdating talaga sa kalokohan ang bilis ma-adapt ni Agatha. Tiningnan niya ang answer sheet nito na kasama sa module na ginawa ni Ms. Yannah. Napamura siya nang makitang sinagutan lahat nito ng patlang ng ‘Si Blandon ay supot’.
Nag-uumigting ang ugat niya sa leeg sa inis. Paano kung mabasa iyon ni Ms. Yannah? Bigla siyang natawa nang matanto na hindi pala siya si Blandon. Nakaisip din siya ng kalokohan. Kinuhaan niya ng litrato ang answer sheet ni Agatha, pagkatapos ay pinadala niya sa messenger ni Blandon.
Ayaw na ayaw pa naman niyon na tinatawag na ‘supot’. Bansag niya iyon noon dito dahil ayaw nitong magpatuli kaya nauna siya. Kapag nag-aasaran sila ay iyon ang tawag niya rito.
Maya-maya ay tumawag si Blandon. Kaagad niya itong sinagot nang makalayo siya kay Agatha. Kinuha niya ang answer sheet at itinago.
“Yes, bro,” nakangising sagot niya sa caller.
“Buwisit ka! Sinong demonyo naman ang sumapi sa ‘yo!” bulyaw nito.
“Si Lucifer lang naman,” pilosopong tugon niya. Lumuklok siya sa swivel chair.
“Loko ka! Nag-apura pa akong buksan ang messenger ko dahil may chat ka, ‘tapos ganoon pala?”
“Relax. Hindi ako ang may gawa niyan kundi ang magaling mong alaga.”
“Gago! Ano’ng alam ni Agatha sa supot?”
“Bro, she’s a fast learner. Kanina lang niya natutunan ang salitang iyon kasi supot si Kilawin.”
“Sinong Kilawin?”
“Eh ‘di ang pinabili niyang tuta na German Shepherd. Fifteen thousand iyon, ibinawas ko sa allowance niya.”
“At bakit Kilawin? Masarap na pulutan ‘yon, ah,” natatawang tanong ni Blandon.
Natawa rin siya nang maalala ang kaniyang kalokohan. “Walang maisip na pangalan si Agatha kaya ako ang nagbigay for registration ng aso.”
“Loko ka talaga. Kung anu-ano ang kalokohang tinuturo mo kay Agatha. Ang trabaho mo ang atupagin mo! Makakanti ka talaga ni Xander kapag nalaman niya ang pinagagawa mo kay Agatha.”
Ngumisi siya. “Bro, did you ever ask Agatha about on how Xander treated her?”
“Alam ko pero hindi lahat.”
“Exactly, bro. Puro kalaswaan ang natutunan ni Agatha kay Xander. Ginawa pa niyang sexdoll. Mabuti, hindi niya nakuha nang buo.”
“Wait, how did you know that?”
Natigagal siya. Peste talagang dila, nadulas. “Uh… I mean, hindi naman nagtagumpay si Xander na magalaw nang tuluyan si Agatha, siguro dahil ayaw niyang makabuntis. Hindi talaga niya gusto si Agatha, at ang yaman lang ang kailangan niyon. Nagsabi pa siya na papakasalan si Agatha, which is nag-expect ang dalaga,” palusot niya.
“Gago talagang Xander. Ang yabang niyang nagsabi noon na gusto niyang pakasalan si Agatha para may katuwang itong mamahala ng business. Noong time na iyon, iniisip ko talaga na matino si Xander.”
“Mabuti na nga lang at hindi natuloy ang kasal. Kawawa sa kaniya si Agatha. Baka kapag kasal na sila ay saka niya papatayin si Agatha.”
“I think Xander has more plans for Agatha. Of course, he can’t take to marrying a naive lady. He will find ways to kill Agatha. Ito nabuo na talaga sa isip ko dahil sa mga kuwento mo. Palibhasa bihira ko nakakausap noon si Xander na hind related sa business.”
He sighed. “I guessed, Xander starts searching for the code. He badly wants to open the underground facility. Mukhang may balak siyang lumayas after na makuha ang gusto niya sakaling hindi siya mabigyan ng rights sa Mitsuki wealth. Hindi siya makagalaw sa loob ng kompanya dahil nakikialam ang gobyerno at mga taong may malaking investments sa kompanya. Alam ng lahat kung sino lang ang may karapatan sa yaman ni Mitsuki. Kaya ayaw talaga niyang pag-aralin sa normal school si Agatha dahil tiyak na magkakalaman ang utak ng dalaga.”
“And why he agreed to send Agatha here to the Philippines?”
“Maybe he found the plan B and C. Pumayag siya sa suhesyon mo nang matanto niya na mas madali nga naman niyang mapatay si Agatha na hindi ito sasabit.”
“Ang talino mo, bro. Sana lang ay tama ka nang makapaghanda tayo.”
“Tama man o mali ang teyorya ko, we should prepare, Blandon. Lalo na kung ma-expose na in public si Agatha.”
“Yeah, you’re right.”
Nang magising si Agatha ay nagpaalam na siya kay Blandon.
“I’m hungry,” reklamo ng dalaga.
Ang bilis naman nitong nagutom. Kung sa bagay malapit na ang hapunan.
“Mag-dinner ka na at nang makatulog ka pagkatapos,” aniya.
“Sabay tayo, Blandon.”
“Hindi pa ako nagugutom.”
Tumayo ito at lumapit sa kaniya. Hinatak siya nito sa kanang braso. Napilitan na siyang tumayo at nagpatianod dito. Sinabayan niya itong kumain kahit busog pa naman siya. Konting kanin lang ang kinuha niya dahil mabigat pa sa tiyan ang pancake.
EXCITED na si Agatha na makita ang kompanya umano niya. Maaga siyang nagising dahil sabi ni Blandon ay maaga silang aalis dahil malayo roon ang opisina. Curious talaga siya kung ano ang hitsura ng opisina. May iba-ibang ayos daw kasi iyon na parang ganoon sa study room.
Pagkagising niya ay kaagad siyang naligo. Naihanda na ni Yaya Helen ang damit na isusuot niya. Bagong bili raw iyon ni Blandon. Maganda ang dress, simple pero nahubog ang katawan niya. Hanggang binti niya ang laylayan nito. Her shoulder has exposed, and the light blue color brightens her skin.
Nagdala na ng almusal niya si Yaya Helen. Doon na siya kumain sa kuwarto habang inaayos nito ang buhok niya. Kailangan daw maging desente siyang tingnan dahil haharap siya sa opisyales ng kompanya.
Kinakabahan siya. Wala siyang ideya kung ano ang mangyayari kapag humarap siya sa opisyales kuno ng kompanya. Ano kaya ang sasabihin niya sa mga iyon? Ang sabi ni Blandon ay ipapakilala lang raw siya at pagkatapos ay lilibutin na nila ang kompanya. Iyon ang kinasasabikan niya.
“Yaya Helen, malaki po ba ang kompanya?” tanong niya sa ginang. Naubos na niya ang pagkain.
“Siguro malaki.”
“Hindi ka pa ba nakapunta roon?”
“Hindi pa, eh. Pero siyempre malaki iyon kasi opisina iyon ng airline.”
“Airline?”
“Kompanya ng mga eroplano. At saka mayroon din kayong international hotel at condominium.”
“Ano ang mga iyon?”
Marami siyang hindi pamilyar na salitang naririnig. Dati ay wala siyang pakialam sa mga kakaibang salitang naririnig niya, pero bigla siyang nagka-interes na alamin ang mga iyon.
“Malalaman mo rin kung ano ang mga iyon kapag naroon ka na. Basta makinig ka sa mga sasabihin ni Blandon o ni Ms. Yannah.”
“Ano po ang gagawin ko kapag humarap ako sa mga opisyales?”
“Siyempre, ngingiti ka at babatiin sila. For sure kilala ka na nila kaya sila na lang ang magpapakilala sa iyo.”
“Bakit kilala na nila ako eh hindi ko pa naman sila nakaharap?”
“Eh kasi nga anak ka ng daddy mo na dating may-ari ng kompanya. Siguro nakita mo na rin ang ibang opisyales noon pero hindi mo lang matandaan. Tumira ka rin daw dito noong bata ka sabi ni Xander kaya may alam ka nang salita sa Tagalog. Dito rin kayo tumutuloy ng dad mo noon sa tuwing nagbabakasyon. Kasi tagarito sa Pilipinas ang mommy mo, dito mismo sa lugar na ito.”
“Really? Why I can’t remember anything?”
“Ah eh, iwan. Siguro dahil nagkasakit ka at sa aksidente kaya wala kang maalala.”
Naalala niya, ang amnesia pala ay maaring makalimutan ang aalala pero hindi lahat at maaring bumalik din at meron hindi na. Kaya siguro wala siyang maalala sa mga nangyari noon. At sabi nga ni Xander, may iba pa siyang problema sa utak na mahirap gamutin.
Nagsipilyo na siya. Lalagyan daw siya ni Yaya Helen ng lipstick at kung ano sa mukha para maging mature ang hitsura niya. Nasasabik siya sa magiging resulta. Pinahiran nito ng powder ang mukha niya at pinapula nang konti ang kaniyang pisngi. Ginuhitan din nito ang kilay niya para kumapal nang konti.
Napangiwi siya nang isuot nito sa kaniya ang light sandals na medyo mataas ang takong. Hindi siya sanay. Pinalitan nito ng medyo mababa pero blue rin. Mas komportable siya. At siyempre, meron siyang light blue shoulder bag.
Kinulot lang nito sa dulo ang buhok niya. She loves her new look. Halos ayaw na niyang umalis sa harap ng salamin.
“Hay! Ang ganda-ganda mo, Agatha!” puri ni Ate Antonia nang pumasok ito sa kuwarto niya.
“Thank you, Ate Antonia!”
“Oh siya, tara na baka naiinip na si Sir Blandon kakahintay,” ani ni Yaya Helen.
Sumunod naman siya rito. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan. Namataan niya si Blandon na kapapasok ng pintuan suot ang itim na suit. He looks neat and gorgeous. Kamuntik na siyang magkamali ng hakbang dahil nakatuon dito ang paningin niya. Mabuti naalalayan siya ni Yaya Helen.
Palapit na siya kay Blandon pero tila natulos na ito sa sahig. Hindi man lang siya nito sinalubong at hawakan man lang ang kaniyang kamay. Parang takot itong lapitan siya. Supot nga ata ito.
“Hoy! Huwag ka ngang supot!” bulyaw niya rito.
Umarko ang makakapal nitong kilay. “Would you please stop saying that word? That sounds rude. Pangit pakinggan,” masungit nitong sabi.
“Hm, kapag napikon daw totoo,” tudyo pa niya. Sinundot niya ng hintuturo ang tagiliran nito.
Iniwaksi nito ang kamay niya. “Act decently, Agatha. Hindi puwedeng ganyan kang haharap sa propesyunal na tao,” pangaral nito.
“Sir, yes, sir!” sagot pa niya saka sumaludo rito.
Umiling-iling lang si Blandon. Pagkuwan ay iginiya na siya nito papasok sa kotse nito.