HINDI mapakali sa kaniyang upusan sa backseat ng kotse si Agatha. Kaliwa’t kanan siyang sumisilip sa bintana. Namamangha siya sa dami ng sasakyang kaniyang nakikita sa labas. Noong pagdating nila mula Japan ay hindi niya nakita ang kalye na puno ng sasakyan kasi nakatulog siya sa biyahe.
Gabi noong umalis sila sa mansyon sa Tokyo at wala namang siksikan na mga sasakyan sa kalsada. At saka parang hindi umuusad ang sinasakyan nila magmula nang malagpasan nila ang kalsada na konti lang ang sasakyan. Kasama nila si Lowel, nakaupo sa tabi ni Blandon.
“Bakit dikit-dikit ang mga sasakyan, Blandon? Ano ba ang nagyayari?” curious niyang tanong.
“Traffic po kasi, ma’am,” sagot ni Lowel.
“Traffic? Bakit?”
“Ganito ho rito sa Maynila. Marami talagang mga sasakyan.”
“You mean lahat ng tao may kotse?”
“Hindi naman lahat. Kasi maraming nagtatrabaho rito at may mga sasakyan.”
“May kompanya rin ba sila?”
“Yes, ma’am.”
Sumilip ulit siya sa bintana. May mas malapit na itim na kotse sa kanila na nakabukas lang ang bintana sa gilid ng driver. She saw a handsome guy sitting in there. Nang tumapat ito sa kaniya ay kumaway siya. She’s not sure if she was visible outside. The guy staring at her direction but seems he couldn’t see her. Hindi niya mabuksan ang pinto. Kinalampag niya ang bintana.
“Stop that, Agatha!” saway ni Blandon, na noon lang nagsalita simula nang umalis sila ng mansiyon.
“Look, oh! The guy looks like an artist that I had seen in the movie,” she said excitedly.
“You didn’t know him. Huwag kang basta kakaway sa kaniya baka isipin niya baliw ka,” anito.
Ngumuso siya. Baliw means crazy, she had read it in the dictionary. “I just want to say hi to him,” aniya.
“Hindi magandang ugali ‘yan, na basta kang magpapapansin sa lalaki lalo hindi mo kilala. Hintayin mo na ikaw ang pansinin at baka mamaya ay may kasamang girlfriend iyang lalaki, makanti ka na wala sa oras.”
Humalukipkip siya. Iniraparan niya si Blandon buhat sa rearvew mirror. “You know, Blandon, you’re so killjoy.”
“Dinidisiplina lang kita, Agatha.”
“And who are you to do that to me? You don’t even care about my feelings!” may iritasyong sabi niya habang nakasimangot.
Hindi na kumibo si Blandon. Nakatuon na sa kalsada ang paningin nito. Nawala na ang kinawayan niyang lalaki. Ibang kotse naman ang katabi nila. Sa kanang bahagi ay may isa pang kotse pero hindi makita sa loob.
Ang tagal pa nilang nabibin sa kalsada at parang hindi naman sila umaalis. Naiinip na siya. Maya-maya ay lumiko sila sa kaliwang kalsada. Pagkatapos ay pumasok sa madilim na daan paakyat. Napakapit siya sa gilid ng bintana nang pakiramdm niya’y babalik sila.
Nagpaikut-ikot lang sila habang paakyat. Mga ilaw ang nakikita niya sa labas. Pagkuwan ay huminto ang kotse sa patag na lugar na may mga kotse rin na iba-ibang kulay. The place was spacious, and seems like they were inside the house. She wants to go outside but the door was locked.
Nauna nang bumaba si Lowel kasunod si Blandon. Nataranta siya nang maiwan siya sa loob. Kinalampag niya ang bintana.
“Hey! Open the door!” sigaw niya.
Lumapit naman si Blandon sa katabi iyang pinto saka iyon binuksan. Kinuha kaagad niya ang kaniyang bag saka dagling lumabas. Nakasimangot siyang tumitig dito. Akala niya ay maiiwan siya roon.
“You’re so bad,” aniya.
“Bakit na naman?” kunot-noong tanong nito.
“You scare me. I thought you will leave me inside the car.”
Tumawa ito nang pagak. “Bakit naman kita iiwan?”
“Hm. Sometimes you’re stupid.”
“Forget it. We will go inside the building,” anito.
“Building?” Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid. Nasaan ang building doon? Ang alam niya ay malalaki iyon at mataas katulad ng nasa movie. “Where’s the building?” tanong niya.
“Here, we’re on the top of the building.”
Hindi siya mapakali. Nasa itaas sila ng building. Ah, kaya pala paakyat sila. Puwede pala iyon? “Building ito?” manghang untag niya.
“Yap, and you own this.”
Nanlalaki ang mga matang tumitig siya sa nakangitng mukha ni Blandon. Seryoso ba ito?
“Paano nangyari iyon?” ‘takang tanong niya.
“Ipinatayo ito ng daddy mo noong nabubuhay pa siya. Siguro bata ka pa noon. Pero maaring nakapunta ka na rin dito at hindi mo lang maalala.”
Naguguluhan siya. Mamaya ay may dumating na limang lalaki na pawang nakasuot ng itim na suit. Malalaking tao ang mga ito.
“Shall we go?” ani ni Blandon.
Tumango siya. Akmang kakapit siya sa kanang braso nito pero pinagkain nito iyon. Nagtatakang tumingin siya rito. He just walks after her.
“Just walk, I’ll be here at your back to escort you,” he said in a cold tone.
She felt uneasy and a bet nervous. Gusto niyang kasabay si Blandon pero tila sinasadya nitong magpahuli. Nakabuntot din sa kanila ang limang lalaki kasabay si Lowel. Ang dami namang nakasunod sa kaniya, hindi siya komportable.
Pumasok sila sa bumukas na pinto. Iyon ang elevator. Meron sila niyon sa mansiyon sa Tokyo. Hindi niya maintindihan bakit nasa likuran niya at tagiliran ang mga lalaki. Wala man lang nauna sa kaniya. Umandar na ang elevator at pababa. Nang huminto ito ay kumabog ang kaniyang dibdib.
Naunang lumabas ang dalawang lalaki at tumayo sa labas ng pintuan. Nang lumabas siya’y kaagad nakasunod ang iba pa. Panay ang lingon niya kay Blandon. Hindi siya sanay sa kilos nito. He looks like a robot, the same with the other men.
Nang makita si Yannah na palapit sa kanila ay naibsan ang kaniyang kaba. Yannah wore all black dress with black shoes. Malayo pa lang ay malapad na ang ngiti nito.
“Good morning, Ms. Agatha! I’m glad to see you here, finally,” masiglang bati nito.
Ngumiti siya. Dapat daw lagi siyang nakangiti sabi ni Yaya Helen.”Good morning to you, Yannah!” bati rin niya.
“Please follow me,” anito.
Sumunod naman siya rito pero panay pa rin ang lingon niya kay Blandon. Nakabuntot lang ito sa kanila kasunod ang ibang lalaki. Pumasok sila sa isang silid na malawak at may mahabang lamesa na maraming upuan. May mga tao nang nakaupo roon. Karamihan ay mga lalaki na naka-suit at matatanda na. Naroon si Atty. Manuel Salvador at Mr. Lester Amando.
Tumayo ang lahat nang makita siya. Their warm welcome to her made her amazed despite her nervousness. They were all knew her. Yaya Helen was right. All people in her company know her already.
Pinaupo siya ni Yannah sa dulong lamesa malapit sa puting tela na may ilaw. Nasipat niya si Blandon na nakatayo lang sa kaliwang gilid ng pintuan. Nagtataka siya bakit hindi ito umupo. Ang katabi malapit sa kaniya ay sina Atty. Salvador, Yannah at Lester.
Si Atty. Salvador ang nagsasalita at kausap ang mga tao sa unahan. Their faces were full of happiness, smiling while gazing at her. She doesn’t know how to approach them all. She just listens to Atty. Salvador.
“Ms. Agatha was still mentally unstable due to the incident that killed her father. According to Xander, Agatha’s doctor in Tokyo found out nerve damages in her mind that causes amnesia, but the amnesia was difficult to cure due to her existing mental disorder that may be already diagnosed when she was a kid. So we are hoping for your consideration that Agatha was not ready yet to manage a giant company that her father left,” Atty. Sandoval stated.
A man from the right corner of the table lifts his right hand.
“So, how she can work with that condition? We’re wondering. What if the time has come that Xander leaves the company here? They didn’t assign the CEO here in the Philippines office. We’re just thinking about our stocks that may lose if there is unstable coordination with international offices. Our rate is about to fall from the world market.”
“That’s why we are doing our best to separate the stock from the international offices since Ms. Agatha was here, Mr. Wagne,” Atty. Salvador said to the man.
Agatha understand a lot from the discussion but she’s still confused. Gusto na niyang tawagin si Blandon para ipaliwanag ang nangyayari. Feeling kasi niya ay mayroong hindi nagustuhan ang ibang tao. Malayo ito sa kaniya kaya si Yannah ang kinalabit niya. Lumapit naman ito sa kaniya.
“What’s going on here?” tanong niya rito.
“The board members were talking about the plan to separate from the international offices of Shaturi International Group of Companies. The office here was just accommodating the local businesses that your dad left before he died. Meaning, gusto ng stock holders na ma-secure ang shares nila since Xander are planning to entrust the fund and all of the income in your name. Meaning, ikaw na ang hahawak ng office dito at ibang business ng dad mo. But the investor's concern was the shares that they spent in the international market. Maari iyong mahati at nagdududa na rin sila sa desisyon ni Xander,” paliwanag nito.
Naguguluhan pa rin siya. Wala talaga siyang alam sa nangyayari lalo sa negosyo kung paano ba siya makatutulong.
“I’m not prepare yet, Yannah,” aniya.
“I know, that’s why you need to study first, and we will help you to manage the company while you’re studying. We need your cooperation, Agatha. Ang totoo ay wala na rin kaming tiwala kay Xander. Parang gusto niya na masolo ang negosyo ng dad mo sa Japan at sa ibang bansa.”
“I don’t get it.”
“Darating bukas ang lawyer ng dad mo mula sa international office, and he will going to discuss about the separation of the offices. Since you’re mentally unstable, the government will decide to hold custody of your rights, and Xander doesn’t have a choice but to follow the rules. He still had the right to manage the company as an authorized person, but he would only have a share from his investment. If he decides to leave, he will get the reimbursement or the funds listed to the last will testament of your dad. He doesn’t have the rights to the company owner since he was not legally adopted by your father.”
Tulalang nakikinig lang siya kay Yannah. Pumapasok sa kukoti niya ang mga sinabi nito pero may ilan na hindi niya maintindihan. But she knows that there’s a problem in the company and to Xander. She needs more time to understand a lot of this regarding to the company.
Kasagsagan ng meeting ay opisina ang nasa isip niya. Gusto niyang makita ang opisina kuno ng dad niya na sa kaniya na rin.
Pagkatapos ng meeting ay dinala naman siya ni Yannah sa opisina ng daddy niya. Wala raw gumagamit doon simula noong namatay ang daddy niya. Bihira naman bumibisita roon si Xander at hindi tumatagal.
Namangha siya pagpasok nila sa malaking silid na pulos salamin ang palibot. Sa bungad ay mayroong magagandang couches and tables with elegant design. Pumasok sila sa glass door na kusang bumubukas katulad sa elevator. Walang kurap na nanilay siya sa paligid. She saw the large portrait of her dad on the wall at the back of the large table. Sa bawat gilid ng lamesa ay mayroong malalaking bookshelves.
Lumapit siya sa portrait ng kaniyang ama at pinakatitigan ito. The unusual pain and sadness strikes her heart, it felt twisting as if she could lose her breathe. Uminit ang bawat sulok ng kaniyang mga mata hanggang sa lumaya ang maninipis na luha. After almost three years, she saw her dad’s face again.
Ang litrato kasi ng daddy niya sa Tokyo ay nawala. Ang portrait na naiwan sa kuwarto ng dad niya ay pinatago ni Xander. Hindi niya alam kung saan nito iyon dinala. Nairita raw kasi ito dahil iyak siya nang iyak sa tuwing nakikita ang litrato ng daddy niya.
Tumigil siya sa pagluha nang matanto na pamilyar sa kaniya ang lugar na iyon. Nahagip ng paningin niya ang malaking teddy bear na nakapatong sa pinakaitaas ng estante. It was wrapped by the transparent plastic. Pilit niya itong inaabot. Nang makuha ay kaagad niyang binaklas ang plastic at niyakap ang teddy bear. Ang bango nito, pamilyar na bango. Sa likuran ng teddy bear ay may nakasabit na tag at may nakasulat.
To: Princess Agatha
From: Daddy
Napaluha na naman siya. Mamaya ay may senaryong sumiksik sa kaniyang diwa.
“What do you want for your sixteenth birthday, sweetheart?” a big man asked her.
“I want a teddy bear, daddy,” a fifteen years old lady replied.
“Why teddy bear? You’re a big girl now; I think you should choose kinds of stuff that will suit your age.”
“Uh, I want a teddy bear, daddy. You haven’t bought it for me since I was a kid.”
“Okay. I will buy a teddy bear for you. I have a friend in the Philippines who makes teddy bears.”
“Okay. I will wait for it.”
Six days before Agatha’s birthday, her dad said that they were going to the Philippines to celebrate her sixteenth birthday. He said the teddy bear has arrived at the office in the Philippines. But the incident happened three days before her birthday, and they were traveling going to the airport.
Agatha’s mind stuck in the scenario that sharpens the pain in her heart. Na-distract siya nang biglang kumirot ag kaniyang ulo. Nabitawan niya ang teddy bear. Mabuti na lang maagap sa pagsalo sa kaniya si Blandon, na hindi niya namalayang naroon pala.
Nahihilo siya, naninilim ang kaniyang paningin ngunit naaninag pa niya ang mukha ni Blandon. Naramdaman na lang niya na nakalutang siya. Yumapos siya rito, at sa pamamagitan ng init ng katawan nito ay ginupo siya ng antok.