Chapter 20

2284 Words
DINALA ni Baldwin sa ospital si Agatha. Apektado ang emosyon nito dahil sa biglaang pagsulpot ng alaala sa utak nito. The doctor confirmed that Agatha had amnesia, but it was not treated. Dapat daw ay noon pa ito inasikaso at tinulungan ang dalaga na makaalala ng mga bagay-bagay na nakalimutan nito. Lumala raw ang nerve damage nito sa ilang parte ng utak na konektado sa memorya nito. Maaring may ilang nakaraan na malabo na nitong maalala. Wala siyang ibang dapat sisihin kundi si Xander. Alam ni Xander na may amnesia si Agatha, pero lalo nitong sinisira ang utak ng dalaga. Nagtatagis ang bagang niya habang binabasa ang findings ng doktor. Nabasa rin niya ang diagnoses base sa MRI result ng ulo ni Agatha. Ang ikinagagalit pa niya ay itinatak na ni Xander sa kukoti ni Agatha na may malubhang sakit sa pag-isip ang dalaga na hindi magagamot. Iyon din ang paniniwala ng mga opisyales ng Shaturi Group of Companies kaya ayaw magtiwala ng mga ito kay Agatha. Hindi pumayag ang mga ito na ipagkatiwala kay Agatha ang kompanya kahit pa mayroon itong adviser at assistant. Maaring naaalarma na rin si Xander dahil nakikialam na ang batas sa ari-arian ni Mitsuki. Pinaiimbestigahan na rin ang ilang kompanya ni Mitsuki dahil umano sa ilang illegal transactions. Naipasara na nga ang guns store ni Mitsuki na nakitaan umano ng high power explosive, at may unit ng baril ni Mitsuki na nakumpiska mula sa rebeldeng grupo. Iginigiit na sinusuportahan umano noon ni Mitsuki ang mga rebelde at nagbibigay ng armas sa mga ito. Hindi siya naniniwala roon. Nai-forward niya kay Blandon ang mga natuklasan niya. Malakas ang kutob niya na mayroong grupo na gustong sirain ang reputasyon ni Mitsuki. Kaalyansa ito ng kanilang ama at parehong namamahala ng anti-syndicate organization, kaya imposibleng gagawa ng anumalya ang mga ito. He knows his dad. Hindi ito susuporta sa mga sindikado o rebelde dahil simula binata ito ay nagsisilbi na ito sa bayan kapalit ng buhay nito. Halos second priority na nga lang sila nito noon. Lalabas na sana siya nang marinig niya ang tinig ni Agatha. “Daddy…” bigkas nito. Nang lingunin niya ito ay nakapikit pa pero gumagalaw. May ga-butil na pawis sa noo nito. Dinukot niya ang panyo sa bulsa ng kaniyang pantalon saka pinahiran ang noo nito. Natigilan siya nang kapitan nito ang kamay niya. “One three… one three…” usal nito. Mariing kumunot ang noo niya. Nanaginp ata ito. Humigpit pa ang kapit nito sa kamay niya. “Dad… teddy bear,” anito. Nasanay na siya rito na nagsasalita kahit tulog. Hinatak pa siya nito kaya napaupo siya sa gawing kaliwa nito. Sa halip na alisin ang kamay nito sa kamay niya ay hinawakan din niya ito. Mamasa-masa ang pisngi nito. Agatha was crying. He gently ran his finger on her cheek and wiped her tears. She’s gorgeous when it comes to physical appearance. What more if she was mentally healthy? Siguro kung hindi nangyari ang insidente at buhay si Mitsuki, magkikita pa rin sila ni Agatha dahil plano na niyang magsilbi rin noon kay Mitsuki as his private army. Pangako niya iyon sa daddy niya kapag hindi natuloy ang pagpasok niya sa US army. Siguro hindi ganoon si Agatha na isip-bata. Baka mataray itong boss, smart, and unreachable. Darating din ang araw na titino ito at magiging professional. He, as her escort, will never be part of her private life. Agatha deserves an ideal man. Hindi siya ganoong tipo ng lalaki. He’s not a marrying time, nor a husband material that a woman wanted to have. He failed even in his life, so how could he be responsible for his future family? Minsan ay wala rin siyang tiwala sa kaniyang sarili pagdating sa pagdedesisyon, kaya panay ang payo sa kaniya ni Blandon. Nag-invest siya ng negosyo na hindi niya kabisado, kaya ang ending, sa ibang tao rin niya pinagkatiwala. Hindi rin siya nakatagal sa military dahil sa ugali niya na kapag ayaw niya, ayaw. Mabilis siyang mairita kaya minsan nakakaaway niya ang commander niya. Isa rin sa dahilan bakit hindi nagtagal sa kaniya si Amanda ay dahil sa pabago-bago ng desisyon niya. Minsan okay, madalas hindi. Hindi rin siya showy pagdating sa totoong nararamdaman niya. Tuluyang nagising si Agatha. Titig na titig ito sa kaniyang mukha habang magkahawak pa rin ang mga kamay nila. “B-Blandon…” nanghihinang sambit nito. “Take more rest, Agatha,” aniya. “Why I’m here? Where am I?” Gumala ang paningin nito. “You’re here in the hospital.” Babangon sana ito ngunit pinigil niya ito sa mga balikat. “Magpahinga ka lang. Nahilo ka kanina sa office kaya isinugd kita rito.” “The teddy bear! Where’s the teddy bear?” balisang bulalas nito. “Naiwan sa office pero dadalhin dito ni Ms. Yannah mamaya.” Kumalma rin ito. Ayaw nitong bumitiw sa kamay niya. “I have a bad dream,” she said in a raspy voice. “What is it?” “My dad said that we’re going to the Philippines to celebrate my sixteenth birthday. Three days before my birthday, we travel to the airport, but suddenly, a bullet hits dad’s chest. The driver died. Dad hugged me tight to cover me up, but I saw him unmoving, and the blood flooded on the floor. His last words have stuck in my mind, but I couldn’t remember it; it’s unclear,” kuwento nito. “I think those scenes have exactly happened during the ambush. Your dad knows who’s the killer, I guessed.” “You mean is it true that there’s someone intentionally killed my father?” “Not just your father, Agatha. Pati ikaw ay gustong pataying ng suspect.” “But why? What do they want to us?” “It’s because of your father’s wealth or other reasons.” Bigla itong tumahimik at nakatitig lamang sa pintuan. Saktong dumating naman si Ms. Yannah dala ang teddy bear ni Agatha. Napawi ang lungkot nito nang mahawakan ang teddy bear. “This is my dad’s last gift for me; I saw the scene in my dream. He bought it before he died,” sabi nito. “Matagal na iyan sa office ng dad mo, Ms. Agatha. Mabuti nga hindi pinakialaman ni Sir Xander ang mga gamit ng daddy mo roon,” ani ni Ms. Yannah. “He doesn’t have the rights to enter my dad’s office,” matapang namang sabi ni Agatha. “You’re right, and you have to study hard to learn more so that you be able to replace Xander in his position. You can manage the company without him,” sulsol pa ni Yannah. “I will, Yannah!” determinadong sabi ni Agatha. Napangiti si Baldwin habang pinagmamasdan ito. Nakaupo lang siya sa bench at naghihintay ng tamang pagkakataon upang makapagpaalam dito. Nagkasundo naman sila ni Yannah na ito muna ang magbabantay kay Agatha. Nang makatiyempo ay nagpaalam siya sa dalaga. Napalis ang sigla sa mukha nito. “Where are you going, Blandon?” nakasimangot nitong tanong. “May pupuntahan lang akong importante. Babalik din naman ako bago dumilim at ako ang magbabantay sa iyo,” aniya. “Huwag kang magtatagal, ah.” “Sige. Narito naman si Lowel at ibang bodyguard mo para titingin sa iyo.” “Still, I want you to stay here for me.” “Okay, babalik kaagad ako but give me an hour,” pangako niya. “Okay.” Kinuha niya ang susi ng sasakyan saka lumisan. Pinapupunta na siya ni Blandon sa opisina ng organisasyon.   “ANO’NG napag-usapan sa board meeting?” tanong ni Blandon pagpasok pa lang ni Baldwin sa opisina nito. Nagtitipa ito sa laptop. Pagal na lumuklok siya sa kaharap nitong silya. “Mukhang nagkakagulo na,” aniya. “Paano magkakagulo?” “Balak ni Xander na mag-separate ang management ng local and international offices ng Shaturi Group of Companies.” “Maaring mag-separate sa locas business dito pero hindi puwede ang operations at management ng airline company dahil iisa ang daloy ng operations nito. Branch office lang ang narito sa Pilipinas since may unit ng eroplano na dito naka-base, the rest, sa Asian offices pa rin ang bagsak ng lahat na stocks.” “Iyon na nga, eh. May mga airline investors dito sa Pilipinas na ayaw mahati ang stocks nila. Magkaiba kasi ang shares sa international office kaysa rito sa Pilipinas. Kaya hinihintay pa ang Japanese lawyer ni Mitsuki to finalize the decision since the government investigating some other businesses of Mitsuki. Hahawakan nila ang custody ng kompanya kung hindi pa naayos ang management at hindi kaya ni Agatha na mamuno.” “Kung sa bagay, mabuti na rin iyon kaysa magpatuloy ang anumang balak ni Xander.” “Ang problema, tiyak na maaalarma si Xander. He will do anything to take control of Mitsuki’s company. His last resort was to kill Agatha, so he would have reasons to get the consideration for his effort. Tanga siya dahil hindi niya pinakasalan noon si Agatha.” “Hindi maaring makasal si Xander kay Agatha, bro.” Matiim siyang tumitig kay Blandon. “What do you mean?” aniya. “Base sa natuklasan ko mula sa informant ko, hindi successful ang divorce ni Xander sa babaeng pinakasalan niya six years ago. May nabinbin pa siyang kaso about domestic abuse na naihain sa korte ng asawa niya. At hindi pumayag ang babae na makipag-divorce, at humihingi ito ng sustento sa isang anak nila. Kaya iyon ang dagok sa buhay ni Xander, ang denied niyang divorce, kaya hindi niya mapakasalan si Agatha.” It make sense now. But Xander left a promise to Agatha that he will marry her. Mabuti na lang pala hindi natuloy. Baka magiging impiyerno na ang buhay ni Agatha. Kaya siguro nasira ang unang plano ni Xander at mukhang may niluluto itong panibago na gugulat sa kanilang lahat. “May mga naaalala na kahit papano si Agatha. At totoong nagkaroon nga siya ng amnesia matapos ang ambush,” sabi niya pagkuwan. “That’s a good news, bro. Marami tayong makukuhang impormasyon kay Agatha na makatutulong sa imbestigasyon. Pero mas mainam kung mahanap mo na ang code para mapasok natin ang underground facility ni Mitsuki. Matatagpuan iyon sa Osaka Japan,” ani ni Blandon. Biglang sumakit ang sintido niya nang maalala na naman ang code na iyon. Ilang taon na siyang inuusig niyon dahil iyon ang huling habilin ng daddy niya bago ito binawian ng buhay sa kaniyang kandungan. Clueless sila kung saan iyon makikita. Natigagal siya nang muling maalala ang sinabi ng daddy niya noong tanungin niya kung saan makikita ang code. “K-Kay..” iyon lang ang huling sinabi niyon. Kay, meaning, it would be found in human. Kanino naman? Lalong sumakit ang ulo niya. Ni wala siya masyadong kilala sa mga taong nakapaligid sa daddy nila noon dahil hindi naman siya close rito. “Dad said we could find the code from someone, maybe the one which part of their alliance?” hula niya. “Naisip ko na iyan, bro. Pero kanino naman?” anito. “Iyon lang, I don’t have an idea.” Maya-maya ay dumating si Lily at may dalang nakasupot na pagkain. Meryenda na ng mga ito. Biglang humilab ang sikmura niya. Wala siyang matinong kinain sa araw na iyon. “Kasama ba ako sa budget ninyo sa meryenda?” tanong niya. “Sure. Alam kong darating ka kaya pinadagdagan ko,” ani ni Blandon. “Good. Gutom na ako, eh.” Lumipat sila sa extension ng opisina sa may mini dining set. Habang kumakain ng pasta ay naalala niya si Agatha. Hindi pa pala iyon kumakain simula naisugod niya sa ospital. Mamaya ay tumunog ang kaniyang cellphone na nakapatong sa lamesa. Si Ms. Yannah ang tumatawag. Kaagad niya itong sinagot. “Blandon, where are you? I’m hungry. I want spaghetti, please come back,” si Agatha. Nalunok niya bigla ang pasta na hindi pa niya nangunguya. Wala pa nga siyang isang oras doon pinapabalik na siya nito. “Balikan mo na siya, bro, baka magwala iyon sa ospital, problema mo na naman,” ani ni Blandon. “Pambihira, sige, babalik na ako,” sabi na lamang niya. “Bili ka spaghetti, please, then ice cream and french fries,” hirit pa ni Agatha. “Bawal ang ice cream sa iyo ‘di ba? Fruit shakes na lang at hindi ko palalagyan ng gatas,” aniya. “Okay, basta bilisan mo.” “Oo na.” “Bye, Blandon.” “Bye.” Siya na ang pumutol ng linya. Iiling-iling na sumubo ulit siya ng pasta. Binilisan na niya. “Wala na talaga akong magagawang trabaho dahil kay Agatha,” reklamo niya. “Kaya mo ‘yan, bro. Malay mo ma-in love si Agatha sa iyo. Ambunan mo na lang kami ng yaman,” biro pa ng kakambal niya. Hindi na siya nagkomento kahit umiinit ang bunbunan niya. Si Lily ay pangiti-ngiti lang. Uminom na siya ng ice tea saka nagpaalam sa mga ito. Kinuha lang niya ang papeles na ipapa-review sa kaniya ni Blandon. May kinalaman iyon sa ongoing investigation hinggil kay Xander. Mabuti na lang may pera pang tira na nai-withdraw niya mula sa bank account niya. Hindi pa nagagawan ng bank account si Agatha para doon papasok ang pera nito na mula sa kompanya at shares nito sa international office. Iba naman iyong account na nakapangalan mismo sa Mitsuki corporation, na hawak ng abogado at bangko. Doon nagru-roll ang income at hindi napapakialaman ni Xander. Ang shares lang nito ang nakukuha nito, puwera na lang kung may anumalya itong ginagawa. Binili muna niya lahat ng request ni Agatha na pagkain bago siya bumalik sa ospital. Saktong magtatakip-silim na.                     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD