NAPUYAT si Baldwin kakahintay kung kailan matutulog si Agatha. Magkasama silang nanood ng movie sa laptop nito sa study room pero dahil romance na naman ang pinanood nito, nauna siyang nakatulog. Inabot sila ng alas-dos ng madaling araw sa panonood. Bilib na talaga siya sa tibay nitong magpuyat. Nang muli siyang magising ay mag-isa na lang siya habang nakahiga sa sofa. Naiwan ang nakatiklop na laptop ni Agatha sa center table. Baka naroon na ito sa kuwarto nito. Pasado alas-sais na ng umaga. Gusto pa niyang matulog pero naalala niya may usapan pala sila ni Lester na kasama siya nito sa gagawing survey sa airline office sa airport. Kasama rin nila si Agatha. Pumasok na siya sa inuukupa niyang kuwarto at naligo. Wala pa rin siyang tiwala sa ibang staff ng Shaturi Group hanggat si Xander an