NAGISING si Baldwin nang umingay ang paligid. Hindi siya kaagad nakagalaw nang gupuin siya ng kirot mula sa iba-ibang parte ng kaniyang katawan. Nang makita ang mga aparatong nakakabit sa kaniyang katawan ay saka niya nalaman kung nasaan siya. Naroon siya sa ospital, sa private ward. Mamaya ay pumasok si Blandon. May kasama itong dalawang pulis. Ang dami nitong bitbit na papeles. “Thanks, God you’re awake, bro,” bungad nito habang palapit sa kaniya. “Nabuksan ko na ang files sa monitoring device ni Mitsuki. Maling birthday ni Agatha ang una nating nagamit. Eighteen pala hindi seventeen ang petsa. Nabasa ko sa manual ng device ang codes. Namali lang ang nairehistro sa birth certificate ni Agatha, pero ang totoo ay January 18 siya ipinanganak,” batid nito. He didn’t care about Blandon’s n

